National Shrine and Parish of Saint Padre Pio, isa nang international shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,648 total views

Kinumpirma ng National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, na pinagkalooban ng Vatican ng dekreto para sa pag-angat ng dambana bilang isang international shrine.

Ayon sa pamunuan ng dambana, inilabas ang dekreto noong May 25, 2026 sa tanggapan ng Dicastery for Evangelization sa Vatican City, kasabay ng ika-139 na anibersaryo ng kapanganakan ni San Padre Pio.

“The National Shrine and Parish of St Padre Pio has received the decree from the Holy See granting its elevation to an INTERNATIONAL SHRINE,” ayon sa pahayag ng dambana.

Kasunod nito, inaanyayahan ng dambana ang mga mananampalataya na makiisa sa mga paghahanda at patuloy na manalangin para sa opisyal na deklarasyon ng international shrine sa Setyembre 23, kapistahan ni San Padre Pio.

“As we joyfully receive this blessing, let us continue to pray and prepare for the solemn declaration of our International Shrine on September 23, the Feast Day of St. Padre Pio,” ayon pa sa pahayag.

Umaasa rin ang dambana na magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ipinagkaloob ng Vatican upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga mananampalataya.

Matatandaang matagal nang isinusulong ng Arkidiyosesis ng Lipa ang pagkilala sa dambana bilang pandaigdigang dambana.

Kabilang sa mga tampok sa aklat ng Arkidiyosesis ng Lipa na inilunsad noong January 13, 2024, na may pamagat na “Enlarging the Space of our Tent,” ang kahilingang maitaas sa antas ng international shrine ang dambana ni San Padre Pio dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Itinatag ang dambana noong 2003, idineklara bilang archdiocesan shrine noong 2008, at itinaas bilang national shrine noong 2015, bago ngayon pinagkalooban ng Vatican ng dekreto para sa pagiging international shrine.

Ang National Shrine and Parish of Saint Padre Pio ang kauna-unahang dambana sa Pilipinas na itinalaga kay San Padre Pio, isa sa mga pinakatanyag na banal ng Simbahang Katolika na kilala sa kanyang malalim na buhay-pananalangin at pagmamahal sa Sakramento ng Kumpisal.

Ito na ang magiging ikalawang international shrine sa Pilipinas kasunod ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa lalawigan ng Rizal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 2,389 total views

 2,389 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 35,471 total views

 35,471 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 63,822 total views

 63,822 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 131,552 total views

 131,552 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 154,506 total views

 154,506 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top