Nominasyon sa 2026 Catholic School Heroes Award, binuksan ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,737 total reads

Binuksan na ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang nominasyon para sa 2026 Catholic School Heroes Award bilang pagkilala sa mga indibidwal na nagsasabuhay ng misyon at mga pagpapahalaga ng edukasyong Katoliko sa bansa.

Ayon sa CEAP, layunin ng parangal na kilalanin hindi lamang ang mga administrador at pinuno ng paaralan kundi maging ang mga guro, non-teaching personnel, at mga mag-aaral na sa pamamagitan ng kanilang tapat na paglilingkod, malasakit, dedikasyon, at makabuluhang ambag ay nagpapatibay sa buhay at misyon ng mga paaralang Katoliko.

Binigyang-diin ng samahan na ang mga “Catholic school heroes” ay matatagpuan sa iba’t ibang antas ng komunidad ng paaralan at kadalasang gumagawa ng mga tahimik ngunit mahalagang paglilingkod na nag-iiwan ng positibong epekto sa kanilang kapwa at institusyon.

“Catholic school heroes are found not only among administrators and school leaders, but also among teachers, non-teaching personnel, and students whose quiet yet meaningful contributions strengthen the life and mission of Catholic schools every day,” Ayon sa CEAP.

Maaaring i-download, sagutan, at ipasa ng mga nagnanais magpasa ng nominasyon ang mga kinakailangang form at alituntunin sa pamamagitan ng opisyal na email ng CEAP.

Bahagi ang Catholic School Heroes Award ng patuloy na pagsisikap ng CEAP na kilalanin at parangalan ang mga indibidwal na nagsisilbing inspirasyon sa pagsusulong ng kalidad na edukasyon, Kristiyanong paghubog, at paglilingkod sa komunidad sa mga paaralang Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 47,597 total reads

 47,597 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,003 total reads

 85,003 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,302 total reads

 120,302 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,572 total reads

 346,572 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,246 total reads

 237,246 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top