Bishop Casicas, nanawagan ng konsultasyon sa pamamahala ng SOCOTECO II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,461 total reads

Nanawagan si Marbel Bishop Cerilo Casicas ng higit na kalinawan, pananagutan, at malawakang konsultasyon kaugnay ng mga usapin at panukalang may kinalaman sa pamamahala ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II).

Sa inilabas na pahayag ng Diocese of Marbel, binigyang-diin ni Bishop Casicas na hindi dapat ituring na karaniwang negosyo ang suplay ng kuryente sapagkat ito ay mahalaga sa kapakanan ng mga pamilya at sa patuloy na operasyon ng mga institusyon at komunidad.

“Electricity is not merely a business matter. It is a vital social service that affects homes, schools, hospitals, places of worship, livelihoods, and the future of our communities. Thus, decisions affecting South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) must always be guided by truth, transparency, justice, and concern for the common good,” ayon kay Bishop Casicas.

Ayon sa obispo, maraming miyembro at consumer-owners ng SOCOTECO II ang nagpahayag ng pangamba hinggil sa kakulangan ng sapat na impormasyon, pagiging bukas, at konsultasyon kaugnay ng mga desisyong maaaring makaapekto sa kinabukasan ng kooperatiba.

Iginiit ni Bishop Casicas na hindi dapat balewalain ang mga naturang pangamba sapagkat sumasalamin ito sa lehitimong hangarin ng mga miyembro na mapangalagaan ang kooperatibang kanilang pag-aari at magkaroon ng makabuluhang pakikilahok sa mga usaping may direktang epekto sa kanilang kapakanan.

Mariin ding kinondena ng Diocese of Marbel ang anumang mga pagpupulong na isinasagawa nang walang sapat na pagpapabatid sa publiko, gayundin ang mga manipulasyon, impluwensiya ng mga makapangyarihang personalidad, at mga prosesong hindi nagbibigay ng pagkakataon sa wastong konsultasyon at pakikilahok ng mga miyembro.

“Questionable evaluation procedures that lead to the acceptance or rejection of proposals without clear, transparent, and accountable standards undermine public trust and raise serious concerns on whether decisions are truly being made for the common good,” pahayag ni Bishop Casicas.

Bagama’t kinikilala ng simbahan ang pangangailangan ng mga hakbang na magpapahusay sa serbisyo at pamamahala ng kooperatiba, mariin nitong tinututulan ang may kundisyong pag-apruba ng Board of Directors ng SOCOTECO II sa panukalang Joint Venture Agreement sa IGNITE Power.

Iginiit pa ni Bishop Casicas na ang naturang hakbang ay pabor lamang sa iilang interes habang hindi nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga ang saloobin ng nakararaming miyembro ng kooperatiba.

Dahil dito, nanawagan ang Diocese of Marbel ng higit na pagiging bukas, pananagutan, at malawakang konsultasyon upang matiyak ang pakikilahok ng mga miyembro ng SOCOTECO II sa mga usaping may kinalaman sa kinabukasan ng kooperatiba.

Hinimok din ng obispo ang publiko na manatiling mapagmatyag, mapanuri, mapayapa, at patuloy na manalangin sa gitna ng nagpapatuloy na mga usapin sa kinabukasan ng kooperatiba.

“Let us seek verified facts, avoid misinformation and personal attacks, and engage in respectful dialogue for the good of all. May truth guides every decision. May transparency restore trust. May wisdom and integrity prevail among all leaders and stakeholders,” saad ni Bishop Casicas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,522 total reads

 48,522 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,870 total reads

 85,870 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,169 total reads

 121,169 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,439 total reads

 347,439 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,050 total reads

 238,050 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,023 total reads

 154,023 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top