Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,871 total reads

Ibinahagi ng Diocese of Digos na ginawaran ng Archbishop Clovis Thibault Special Award ng Archdiocese of Davao si Bishop Guillermo Afable ng Digos bilang pagkilala sa kanyang natatanging pamumuno sa Social Communications Apostolate at mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng Catholic media sa rehiyon.

Ayon sa pagkilala, malaki ang naging ambag ni Bishop Afable sa paghubog ng media ministry ng lokal na simbahan sa rehiyon.

“The award recognizes his outstanding leadership in the Social Communications Apostolate and his creative genius in founding the Davao Catholic Mass Media Awards (DCMMA),” ayon sa pahayag ng Diocese of Digos.

Ayon sa pagkilala, kinilala si Bishop Afable bilang isang tagapanguna na nakita ang kahalagahan ng papel ng Simbahan sa larangan ng media at naglatag ng matibay na pundasyon na nagbigay-daan sa pag-unlad at paglago ng Catholic media sa Davao.

Binigyang-diin din ng pagkilala ang malaking papel ng obispo sa pagtatatag ng DCMMA na nagsisilbing pagkilala sa kahusayan at pananagutan ng mga mamamahayag at media practitioners sa Davao Region.

“His most enduring contribution to the local media landscape is the founding of the DCMMA,” ayon sa plake.

“By institutionalizing this recognition, it is more than just an awards ceremony; it has become a movement that fostered a culture of responsibility and a spirit of service among journalists, broadcasters, and digital communicators.”

Kinilala rin si Bishop Afable sa kanyang matatag na paglilingkod sa ministeryo ng Salita ng Diyos na nakatulong sa pagtatatag ng isang Simbahang epektibong nagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng makabagong komunikasyon.

Ang Davao Catholic Mass Media Awards ay itinuturing na isa sa mga pangunahing inisyatiba ng Simbahan sa rehiyon upang palakasin ang ugnayan ng media at ng Simbahan habang itinataguyod ang etikal at responsableng pamamahayag.

Iginawad kay Bishop Afable ang pagkilala noong May 16 sa Bapa Benny Tudtud Auditorium ng Ateneo de Davao University, isang araw bago ipagdiwang ng simbahan ang World Day of Social Communications.

Ang award ay ipinangalan sa kauna-unahang obispo at arsobispo ng Davao at iginagawad sa mga indibidwal at organisasyong nagpapakita ng natatanging paglilingkod sa Simbahan at sa lipunan, lalo na sa larangan ng komunikasyon, ebanghelisasyon, at patuloy na pagtataguyod ng mga pagpapahalagang Kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,278 total reads

 30,278 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,225 total reads

 81,224 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,095 total reads

 129,095 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 233,043 total reads

 233,043 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,634 total reads

 317,634 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top