Nanay

 306 total views

Alam niyo kapanalig, maraming mga nanay sa ating panahon ngayon ay hirap na hirap. Marami sa kanila, kailangang pagsabayin ang pangangalaga sa kanilang mga anak, pangangalaga sa kanilang mga bahay, at pagtatrabaho. Ang gawain ng nanay ay hindi natatapos, pero parang hindi ito napapansin o nabibigyang halaga ng lipunan, maliban na lamang kung mother’s day. May pagkakataon pa nga na kahit mother’s day, maghahanda tayo, pero nanay pa rin natin ang mag-aasikaso at magliligpit nito.

Kapanalig, kailangan nating suriin at lapatan ng suporta at solusyon ang sitwasyon ng mga nanay sa ating lipunan, dahil hindi birong usapin ito, at hindi lamang ito domestic issue. Ito ay isyung panlipunan – isyung panlipunang katarungan. Hindi makatarungan, kapanalig, na sa ating bayan, ang mga bokasyon, pangarap, at kalayaan ng  mga nanay ay napipigilan dahil binabagsak natin sa kanilang mga balikat ang mga obligasyon at tungkulin na dapat ay ating pinaghahati-hatian at pinagtutulungan.

Tingnan na lamang natin, kapanalig, ang sitwasyon ng mga single mothers ng ating bayan. Inabandona ng kanilang mga ka-partners, pero marami sa kanilang mga ka-partners, pati mga anak at ang mga obligasyon nila sa kanilang mga anak, ay nilimot na rin.  

May pag-aaral na nagsasabi na halos 15 million ang mga single parents sa ating bayan. At alam mo ba kapanalig, tinatayang 95% nito, o mahigit 14%, ay mga nanay.

Kapanalig, isipin man lang natin, paano nagagawa ng mga single parents na ito na buhayin ang kanilang mga anak, lalo ngayong pataas ng pataas ang bilihin at pagkadami-daming suliranin ang bayan, kasama pa ang COVID-19? Paano kaya nila pinag-aaral ang kanilang mga anak? Paano nila hinahatid-sundo sa paaralan, nabibili ang kanilang mga pangangailangan, inaalagaan pag may sakit, pinapakain sa araw-araw? Paano pa sila nagtatrabaho at kumikita ng pera?

Kapanalig, ang mga hamon na ito ay hindi lamang minsanan para sa mga single mothers. Araw araw nila itong hinaharap.

Ang ating lipunan, kung tunay tayong nanalig at nagmamahal sa Diyos, ay hindi dapat pumapayag na may kahit sino o kahit anong sektor sa bayan ang naiiwang mag-isa sa gitna ng mga hamon ng buhay. Hindi ito dapat nangyayari sa mga ina, single mothers man sila o hindi. Kailangan ng ating lipunan ng malawakang paradigm shift at pagmumulat ng mata ukol sa napaka-dayang sistemang nagmumula mismo sa ating mga tahanan.   

Kapanalig, ang Pacem in Terris ay may gabay ukol dito para sa atin: Any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person. Lahat tayo, babae man o lalaki, ay may dignidad. Hindi nararapat na ang mga ina ng tahanan ay araw araw na lamang nanakawan nito, dahil lamang sa maling sistema at paniniwalang sumisikil sa kanilang dignidad, kalayaan, at kaunlaran.

Sumainyo ang Katotohanan.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox