Obispo, nanawagan ng pagkakaisa sa suspension ng MILF ng de-commissioning sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,919 total views

Nanawagan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio ng pagkakaisa at maingat na pag-aaral sa sitwasyon matapos i-anunsyo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pansamantalang pagsuspinde ng kanilang pakikibahagi sa decommissioning program ng pamahalaan.
Ang pahayag ng obispo ay kasunod ng anunsiyo ng MILF ilang linggo bago ang kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa Oktubre.
Ayon kay Bishop Florencio, mahalagang timbangin ng lahat ng panig ang epekto ng kanilang mga hakbang hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.
“But I pray that sana tingnan and evaluate nila what are those things that will help us grow and prosper as a nation. And then we all work in that direction. If we will be disunited, many people will suffer, but if we work together, many will benefit and progress will not be an elusive thing for us,” ayon sa mensahe ni Bishop Florencio.
Iginiit ng Obispo na ang pagkakawatak-watak ay tiyak na magbubunga ng pagdurusa sa marami, samantalang ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magdadala ng benepisyo at magbubukas ng mas malinaw na landas tungo sa pag-unlad.
Kaugnay nito, nagpaalala rin siya na ang usapin ng kapayapaan ay hindi lamang nakasalalay sa mga kasunduan kundi sa tunay na kooperasyon at malasakit ng lahat ng sektor.
Idinagdag ng Obispo na kung ang bawat isa ay kikilos tungo sa iisang direksyon, mas magiging posible ang pag-asenso ng bansa at hindi magiging mailap ang progreso.
Itinuturing ng mga eksperto na mahalaga ang pagpapatuloy ng decommissioning bilang pundasyon ng kapayapaan at stabilidad sa BARMM, lalo’t ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng halalan sa rehiyon mula nang maitatag ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 185,603 total views

 185,603 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 207,713 total views

 207,713 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 279,344 total views

 279,344 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 268,432 total views

 268,432 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top