Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,422 total views

Kapanalig, ang ating bayan ay nangunguna sa buong mundo pagdating sa paggamit ng internet, lalo na ng social media. Tinatayang 83% ng ating mga mamamayan ay internet users. Pero hindi lahat ng gumagamit ng internet ay ginagamit ito sa produktibo at mabuting paraan. Marami dyan, nagtatago sa world wide web, laging handa at naghahanap ng maaabuso.

Isang halimbawa na lamang dyan, kapanalig, ay cyberbullying. Ayon sa UNICEF, halos kalahati ng mga kabataang may edad 13 hanggang 17 ay apektado ng cyberviolence.  Ilan sa mga uri ng cyber violence na kanilang naranasan ay verbal abuse at sexual messages. Mas maraming mga babae, ang nakaka-tanggap ng mga sexual na mensahe, at marami rin ang nagsasabi na may nagkakalat ng kanilang mga hubad na imahe, tunay man o digitally manipulated, sa Internet. Ang mga social media apps at message apps ang mga pangunahing plataporma ng online abuse.

Ayon naman sa Disrupting harm in the Philippines: Evidence on online child sexual exploitation and abuse, isang pag-aaral mula sa ECPAT, INTERPOL at UNICEF, tinatayang dalawang milyong bata sa ating bansa ay nakaranas ng online sexual abuse at exploitation noong 2021. May mga batang nagsasabi na sila ay nakaranas ng grooming, ino-offeran ng regalo o pera kapalit ng sexual acts, at pagbabanta o blackmail.

Kapanalig, bata ang kanilang biktima – mga bata ng ating bayan na babad na babad sa kanilang gadgets at hirap na hirap tayong bantayan.

Habang tayo ay nag-iinvest sa pagpapalawig ng digitalisasyon at teknolohiya, kapanalig, tayo din ay kailangan mag-invest sa kaligtasan at proteksyon ng ating mga kabataan sa Internet. Kailangan dito batas na may pangil para magapi ang mga online predators. Kailangan dito malawakang pagbabago sa mga apps at website – kailangan kasama na sa kanilang settings at disenyo ang proteksyon ng bata. Kailangan dito malawakang information dissemination upang malaman ng mga magulang at ng kanilang mga anak ang pag-iral ng online abuse at kung paano kumilos ang mga predators.

Kulang na kulang ang ginagawa ng ating bayan kapanalig – napakaraming bata ang nagiging biktima ng online abuse. At nakakalungkot dito, maraming pagkakataon na ang mga magulang at ibang kaanak ang nagiging instrumento pa ng mga online predators.

Maging si Pope Francis ay nananawagan na upang mahinto ang online abuse. Sa kanyang Address to the Participants sa Child Dignity in the Digital World noong 2017, sinabi niya na dapat gamitin ng mga tech businesses ang kanilang kita upang magbigay ng mga automated at technical solutions upang makilala at sanggain ang mga abusive materials at content. Sinabi rin niya na hindi lamang tayo dapat tumigil sa awareness raising, lehislasyon, pagbabantay sa teknolohiya, at pagsuplong sa mga nang-aabuso. Hindi rin natin dapat kalimutan ang mga batang naapektuhan nito at mga batang maaari pang mabiktima nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,866 total views

 73,866 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,861 total views

 105,861 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,653 total views

 150,653 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,600 total views

 173,600 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,998 total views

 188,998 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,024 total views

 1,024 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,077 total views

 12,077 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,867 total views

 73,867 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,862 total views

 105,862 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,654 total views

 150,654 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,601 total views

 173,601 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,999 total views

 188,999 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,906 total views

 135,906 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,330 total views

 146,330 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,969 total views

 156,969 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,508 total views

 93,508 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,798 total views

 91,798 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top