Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Ang Mabuting Balita, 20 Oktubre 2023 – Lucas 12: 1-7

LABIS NA MAHALAGA

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupat nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo – ito’y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan.

“Sinabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”

————

May kasabihan sa Ingles, “Birds of the same feather, flock together.” Ibig sabihin, madalas ang pinipili natin maging kaibigan ay yung mga taong katulad natin. Kaya, kung tayo ay mabait, pinipili nating maging kaibigan ang mga taong mababait. Kung tayo naman ay masama, pinipili nating maging kaibigan ang mga taong masama. Isang simpleng halimbawa ay yaong sa isang mag-aaral. Kung nais ng mag-aaral na maging magaling sa paaralan, pipiliin niyang maging kaibigan ang mga mag-aaral na mahilig mag-aral. O sa lugar na pinaghahanap buhayan, kung gusto ng isang manggagawa na maging mahusay sa trabaho, sisikapin niyang maging malapit sa isang manggagawa na masipag at masikap, atbp..

ANG ATING PINIPILI ang siyang magiging buhay natin. Hindi natin maaaring sisihin na lang lagi ang kalagayan o sitwasyon natin o mga taong nasa paligid natin. Maaari nating piliin na maging pinakamahusay na tao kung pipiliin nating gabayan tayo ng mga taong magtuturo sa atin ng kabutihan. Maaari nating piliing matuto sa mga taong magtuturo sa atin ng tamang landas sa buhay. Maaari nating piliin na maglalapit sa Diyos na pinakamakapangyarihan at may kakayahang ibigay sa atin ang lahat ng biyaya upang manatiling matatag at mabuti sa gitna ng mga taong nagnanais na sirain ang ating espiritu upang tayo ay mabulid sa impiyerno. Sinasabi ni Jesus na huwag tayong matakot sapagkat sa Diyos, tayo ay LABIS NA MAHALAGA!

Panginoon, turuan mong piliin namin lagi ang Diyos!

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 16,954 total reads

 16,954 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 46,365 total reads

 46,365 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 106,863 total reads

 106,863 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 126,609 total reads

 126,609 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 207,263 total reads

 207,263 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 306,897 total reads

 306,897 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LAW OF LOVE

 10,141 total reads

 10,141 total reads Gospel Reading for August 17, 2026 – Matthew 19: 16-22 LAW OF LOVE A young man approached Jesus and said, “Teacher, what good

Read More »

PUREST FORMS OF PRAYER

 7,083 total reads

 7,083 total reads Gospel Reading for August 16, 2026 -Matthew 15: 21-28 PUREST FORMS OF PRAYER At that time, Jesus withdrew to the region of Tyre

Read More »

FALL INTO PLACE

 8,568 total reads

 8,568 total reads Gospel Reading for August 15, 2026 – Luke 1: 39-56 FALL INTO PLACE Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary Mary

Read More »

WORK OF LOVE

 18,341 total reads

 18,341 total reads Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12 WORK OF LOVE Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it

Read More »
Scroll to Top