172 total views
Nilinaw ni Department of Interior and Local Government Under Secretary for Operations John Castriciones na makakahanap agad ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong DILG secretary matapos sibakin sa puesto si Ismael Sueno.
Natitiyak ni USec. Castriciones na hindi pababayaan ng Pangulo ang D-I-L-G dahil ang nangunguna at nangangasiwa sa operasyon laban sa iligal na droga at sa mga rehabilitation centers ng pamahalaan.
“Yung mga ahensya natin sa departamento ay merong mga guidelines, namumuno ang bureau head. Definitely mag a-asign siya [President Duterte] kahit na officer-in-charge muna or later on permanent secretary of the interior and local government.” Paglilinaw ni USec. Castriciones sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.
Ibinahagi naman ni USec. Castriciones ang postibong pagsulong ng Drug Rehabilitation Programs para sa mga nalulong sa masamang bisyo.
Aminado si Castriciones na bagamat hanggang sa kasalukuyan ay kulang na kulang pa rin ang kagamitan at pinansyal na kakayahan ng pamahalaan upang suportahan ang mga drug surenderrers ay hindi naman nauubos ang mga dumadating na donasyon para sa kanilang mga proyekto.
“Ngayon po sa kasalukuyan meron tayong 44 Drug rehabilitation centers and out of this mga 15 lang po ang government owned and if we are going to total the number of the accommodation this 15 government rehabilitation centers mga 10,000 lang po ang kanyang kaya [i-accommodate] this is before the Fort Magsaysay [rehabilitation center], at dahil may Fort Magsaysay na tayo an additional 10,000 accommodation so 20,000 na po yan, but just the same kulang parin po yan dahil as of now meron po tayong 1.2M drug surrenderers. But now marami tayong donors at may nakalaan po tayong budget for this purpose, if I’m not mistaken 3.2B pesos intended for the construction of rehabilitation centers and for its operation,” pahayag ni USec. Castriciones
Samantala, patuloy naman ang Simbahang Katolika sa pagpapalawig ng mga programa para sa mga Drug surrenderers.
Matapos ilunsad ang Sanlakbay sa Pagbabagong buhay Program ng Archdiocese of Manila, ay nagsagawa naman ng Interagency consultation meeting ang Anti Drug Dependency o ADD for Life Ministry ng Most Holy Trinity Parish upang mapalakas ang ugnayan ng simbahan at pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.
Ang Diocese ng Novaliches at Kalookan ay tinutugunan din ang pangangailangan ng mga naulilang mahal sa buhay ng mga biktima ng EJK.