PAANO GINASTOS ANG PERA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332,985 total reads

Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at kumbinsihin ang Senado na ang kaso sa confidential fund laban sa pangalawang pangulo ay mahina at fishing expedition lamang.

Simple lamang ang problema ni VP Duterte, kahit anong objection., kahit anong cross-examination sa witness ng prosekusyon na si COA auditor Xylene del Campo, hindi maipaliwanag ng defense lawyers kung saan ginastos ng Office of the Vice President at Department of Education ang 612.5-milyong pisong confidential fund.

Kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan, hindi dahilan ang confidential., saan mo ginastos?
Sa napakahabang cross examination sa prosecution witness, malinaw ang kawalan ng accountability sa panig ni VP Duterte.

Ang hindi masagot na tanong., nasaan ang sapat na dokumentasyon? Ano ang confidential operations na pinondohan?

Paano napatunayan na lehitimo at successful ang mga operasyon?Kung ibinigay ng accountable officer ang pera sa ibang tao, sino ang nakakaalam kung saan talaga napunta ang milyun-milyong pisong cash?

Hindi rin maipaliwanag at walang documentary evidence ang kampo ni VP Duterte na ang kinukuwestiyong pera ng taumbayan ay ginastos tama sang-ayon sa tunay na layunin ng confidential fund.

Kapanalig, pilit mang giniba ang kredibilidad ni del Campo, umalis siya sa witness stand nang hindi nabubutas ang pangunahing problema ng audit.,kulang ang substantiation, mga dokumento at tumibay ang pagdidiin ng prosekusyon kung sino ang may pananagutan.

Kung malinis at hindi ginastos ng personal ni VP Duterte ang confindential fund., nasaan ang resibo?
Ang masakit na katotohanan, kung nawala na ang pananagutan, hindi na maituturing na maliit ang problema, maaring ang kabuuang paggasta sa 612.5-milyong pisong confidential fund ay mali, iligal na ginamit ang pondo.

Kapanalig, hindi puwedeng gastusin ng isang opisyal ng pamahalaan ang milyun-milyong pisong pera ng bayan at ikatwirang confidential kasunod ng kawalan ng pananagutan. Hindi maaring confidential ang sagot sa bawat tanong. Pera yan ng taumbayan, kailangan mong ipaliwanag kung nasaan napunta ang pera, at bakit nararapat at legal ang paggasta ng pondo.

Kapanalig, kung maayos ang paggamit ng pondo, simple lang ang dapat ipakita ni VP Duterte sa COA. Ang confidential na aktibidad? Magkano ang ginamit na pondo? Ano ang otoridad na gastusin ang salapi? Nasaan ang mga dokumento na nag-uugnay sa pera sa ginawang programa? Malinaw sa auditing hindi sapat na sabihing may operasyon? Pambabastos ito sa taumbayan.

Sinasabi ng ROMANS 3:19 – “Now we know that whatever the Law says, it speaks to those who are under the Law, so that every mouth may be closed and all the world may become accountable to God”.
Ayon naman sa Proverbs 27:17, “As iron sharpens iron, so one person sharpens another.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 15,908 total reads

 15,908 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 101,313 total reads

 101,313 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 165,156 total reads

 165,156 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 253,429 total reads

 253,429 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 335,729 total reads

 335,729 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 15,909 total reads

 15,909 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 101,314 total reads

 101,314 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 165,157 total reads

 165,157 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 253,430 total reads

 253,430 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top