VeritasPH

The Word, The Truth

Pag-ibig ng Diyos, payabungin sa PCNE 4

SHARE THE TRUTH

 159 total views

Hinihikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na dumalo sa isasagawang Philippine Conference on New Evangelization sa Universtiy of Sto. Tomas simula ika-28 hanggang ika-30 ng Hulyo, 2017.

“Ang ebanghelisasyon po ang misyon ng simbahan ay mula pa sa umpisa at malamang ay hindi na magbabago. Kaya lang po nagbabago ang mundo, nagbabago ang kalagayan sa lipunan, kalagayan ng ating pamilya, kabataan at ang ating kalikasan kaya nung panahon ni Pope John Paul II sabi niya kailangan natin ng ‘new evangelization,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle,chairman ng P-C-N-E, mahalaga ang evangelization dahil ito ay pagpapadama ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan na kinakailangang pagyabungin sa patuloy na pagpapahayag.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na laging new ang evangelization dahil nagbabago ang panahon.

“Bagama’t ang ebanghelisasyon ay laging nariyan at kung tutuusin ay laging ‘new’ dahil nagbabago ang panahon. Hamon yan sa atin ngayon. Tatlong bagay ano yung ‘new’, ang ebanghelyo ay iyon pa rin. Kaya lang sabi niya bagong sigla, new fervor; ikalawa bagong expression-paano ipahahayag ang ebanghelyo sa pamamaraan para tutugma sa ating mentalidad at kultura sa kasalukuyan; at ikatlo bagong metodolohiya”.mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang “new” ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa turo ng Diyos sa halip pagbibigay lamang ng bagong sigla, bagong paraan at bagong pagpapahayag ng ebanghelyo na akma sa nagbabagong kultura.

Unang inilunsad ang P-C-N-E noong 2014 na may temang “God Make All Things New; nasundan noong 2015 sa temang Blessed Are You-kasunod na rin ng pagdalaw ng Santo Papa Francisco sa bansa, bilang pakikisa sa mga biktima ng bagyong Yolanda at 2016 bilang pagpapatuloy ng panawagan ng Santo Papa sa Jubilee Year of Mercy, ang Awa, Unawa at Gawa: The Filipino Experience on Mercy.

Noong 2015, sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas umabot sa pitong milyon katao ang dumalo sa misa na isinagawa sa Luneta, Manila.

Sa homiliya ni Pope Francis, binigyan diin ang natatanging pagkakakilanlan ng mga Filipino bilang isang pamilya sa kabila ng mga unos ng buhay.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa na nagdulot ng labis na pinsala sa Visayas region.

Bukod kay Cardinal Tagle, kabilang sa dumalo sa PCNE press conference sina Fr. Jason Laguerta, head of the Office for the Promotion of New Evangelization; Dr. Giovanna Fontanilla, mula sa Office of Public Affairs ng University of Santo Tomas; at Ms. Mary Ann Cruz of the Central Committee of PCNE.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 10,864 total views

 10,864 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 18,909 total views

 18,909 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 23,989 total views

 23,989 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,696 total views

 29,696 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,484 total views

 38,484 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 14,746 total views

 14,746 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 20,613 total views

 20,613 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 31,707 total views

 31,707 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 45,429 total views

 45,429 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 42,776 total views

 42,776 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 45,812 total views

 45,812 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 45,196 total views

 45,196 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 55,422 total views

 55,422 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 55,110 total views

 55,110 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 56,642 total views

 56,642 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 39,433 total views

 39,433 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 48,945 total views

 48,945 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 45,898 total views

 45,898 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 49,409 total views

 49,409 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 53,447 total views

 53,447 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top