Pag-uwi ng Mahal na Ina ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Masigla at labis pananabik na sinalubong ng mga mananampalataya ng Marawi City ang pag-uwi ng kanilang patrona ang Maria Auxiliadora ng Marawi.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, dumating sa lungsod mula sa Maynila ang life sized replica ng Maria Auxiliadora noong May 5, napapanahon para sa nakatakdang pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod sa May 24.

“Kitang kita mo talaga yung pangungulila nila sa Mahal na Birhen at kagalakan na nakabalik din siya. Although replica lang ito nung unang imahe na pinugutan.” pahayag ni Bishop dela Pena

Sa San Tomas de Villanueva nakaluklok ang imahe na siyang pansamantalang tirahan at katedral ng prelatura.

Ang replica image ay donasyon mula sa mga deboto ng Mary Help of Christians na mula sa Manila ay inihatid ito sa Marawi.

Ito rin ang parehong imahe na dumalaw sa Radio Veritas Chapel noong January 2018.

Pugot na imahe ng Birheng Maria

Ang nasirang imahe ng Mahal na Birhen ayon sa obispo ay dinala sa Aid to Church in Need sa Munchen, Germany na siyang kumakatawan sa naranasang pag-uusig at karahasan sa Marawi City.

“Isinasali Siya permanent exhibit of structures for memorabilia of churches that have endured the persecution, persecuted Christians. Si Maria Auxiliadora yung nasirang imahen siya ang kumakatawan dito kung ano ang persecution na dinanas ng mga Christians dito sa Marawi. Persecution of Christians in Marawi siya ang kumakatawan doon together yung dun galing sa Iraq, galing sa Syria, galing sa Nigeria, Pakistan. Yung mga churches na talagang pine-persecute. Ayun ang ating contribution,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Ang ACN na may 25 sangay sa buong mundo ay isang organisasyon na siyang tumutulong sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya hindi lamang sa mga Kristyano.

Nasirang Katedral

Bagama’t wala pang katiyakan kung kailan maipapagawa ang katedral sa Marawi, sinabi ni Bishop Dela Peña na balak nilang manatili ang ilang bahagi ng nasirang simbahan bilang alaala.

“It will not come too soon, very soon dahil magkakaroon pa ng, anong tawag doon… leveling of the ground. Lahat ng mga istruktura sa ‘ground zero ay papatagin. So kasama na rin yung aming cathedral, sabi namin nag-usap usap kami na we would rather keep the cathedral intact na hindi namin ipapasira dahil we would like to make it as a living reminder of what happended to the church, the community in Marawi,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Noong nakalipas na taon May 24, hindi naipagdiwang ang kapistahan dulot na rin ng pagsalakay ng mga terorista sa lungsod at kasamang dinukot ang apat na manggagawa ng katedral kabilang na dito sa Fr. Chito Suganob, dalawa naman sa mga dinukot ang napatay sa kalagitnaan ng digmaan.

Sa nagdaang digmaan, may 300,000 katao ang nagsilikas habang naitala naman ang higit sa 1,000 ang nasawi kabilang na dito ang mga terorista, mga sundalo at pulis at mga sibilyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,998 total reads

 9,998 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,967 total reads

 44,967 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,451 total reads

 81,451 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,663 total reads

 99,663 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,476 total reads

 183,476 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top