Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbenta ng boto, may pananagutan sa batas

SHARE THE TRUTH

 1,766 total views

May pananagutan sa batas ang pagtanggap ng pera kapalit ang boto.

Ito ang paalala ng Ideals o Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services kaugnay sa laganap na vote buying sa halalan sa bansa.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Atty. Dondi Justiani, sinabi nito na ang pagtanggap ng salapi at pagbebenta ng boto ay labag sa ating saligang batas kahit pa hindi iboto ang kandidatong nag-alok nito.

Ayon kay Atty. Justiani, ang mismong pagtanggap ng pera ay maituturing na uri ng ‘vote selling’ at ito ay sumisira sa integridad ng halalan.

“kahit sabihin natin na iba ang iboboto natin doon sa sinabi ng vote buyer na iboto mo mali pa din. yun kasi sa batas ang ibig sabihin ng vote buying pagtanggap ng pera kapalit ng boto ibig sabihin yun pagtanggap mo pa lang bawal na” pahayag ng Abogado mula sa IDEALS Inc.

Hinimok ni Atty. Justiani ang publiko na isuplong sa mga kinauukulan partikular na sa Commission on Election ang mga bibili ng boto.

Naniniwala din ang abogado na mahalaga na bumoto ang bawat rehistradong Pilipino dahil ito’y isang karapatan bilang mamamayan ng Pilipinas.

Ang vote buying at vote selling ay maituturing na paglabag sa Omnibus Election Code at nahaharap sa posibleng pagkakakulong ng hindi bababa sa anim hanggang labing-dalawang taon.

Mariin din tinututulan ng Simbahang katolika ang pagbebenta at pagbili ng boto.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 67,178 total views

 67,178 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 74,953 total views

 74,953 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 83,133 total views

 83,133 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 98,786 total views

 98,786 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 102,729 total views

 102,729 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 19,186 total views

 19,186 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 38,269 total views

 38,269 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top