Bishop Bagaforo, nanawagan sa mamamayan na ipanalangin ang lahat ng kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total reads

Higit dalawang buwan bago ang nakatakdang halalan, hinikayat ni Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga botante na ipanalangin ang lahat ng mga kandidato na nagnanais magsilbi sa pamahalaan.

Ayon kay Bishop Bagaforo, nawa ay patuloy na mangingibabaw sa mga pulitiko ang pagtataguyod ng batas ng panginoon at para sa kabutihan ng mamamayang Filipino.

“May the Lord bless all of us as we prepare for the May 9 election. May the Lord guide and enlighten all our candidates that the most important of all is to uphold the laws of God. May the Lord accompany all our voters that they may select and choose our leaders na mayroong malasakit sa kapwa, may malasakit sa mahihirap at sa lahat ng mga nasa laylayan ng lipunan,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Ipanalangin din nawa ng bawat isa ang kalakasan at kalusugan ng mga kandidato gayundin ang kalinawan ng pag-iisip sa kanilang hangarin na mahalal bilang opisyal ng bayan.

“Nawa’y pagpalain ang lahat ng ating kandidato ng magandang kalusugan upang maipagpatuloy nila ang kanilang pagkampanya at nawa’y magkaroon tayo ng kapayapaan sa ating gagawing halalan.”panalangin ni Bishop Bagaforo

Hiling din ng obispo sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga bagong mamumuno sa bansa at isaalang-alang ang interes ng buong bansa at hindi ng sarili.

Ipinapanalangin din ni Bishop Bagaforo ang kapayapaan ng bansa lalo na sa paghahanda sa nalalapit na halalan na gaganapin sa May 9.

Panawagan din ng obispo sa mga kandidato na isama sa kanilang programa ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapanumbalik ng kaayusan sa mga komunidad na nasira ng mga kompanya ng pagmimina.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa ginanap na ‘Catholic E-Forum One Godly Vote’ voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na mapakikinggan at mapapanood tuwing ika-walo ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Si Bishop Bagaforo din ang nagbigay ng pagninilay sa mga inihaing programa ng naging panauhin na si vice presidential aspirant Atty. Carlos Serapio ng Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi Party.

Si Serapio ay ang ‘running mate’ ni presidential candidate Faisal Mangondato na mula sa Islamic City ng Marawi sa Lanao del Sur.

Kabilang sa mga nakalipas na panauhin sa E-Forum ng Radio Veritas sina presidential aspirants Leody de Guzman, Dr. Jose Montemayor Jr.; Norberto Gonzales, Ernesto Abella, Manila Mayor Francisco Domagoso, Vice-President Leni Robredo at Mangondato at vice-presidential candidate Manny Lopez ng Labor Party of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,417 total reads

 13,417 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,416 total reads

 112,416 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,686 total reads

 156,686 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,797 total reads

 179,797 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,143 total reads

 254,143 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top