Pagbibitiw ni Bautista bilang COMELEC chairman, pinuri ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 265 total views

Kinilala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang naging pagbibitiw sa katungkulan ni Outgoing Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Atty. Rene Sarmiento – Chairperson ng PPCRV, dahil sa naging pagbibitiw ni Bautista ay mas magkakaroon ng pagkakataon ang COMELEC upang isaayos ang kumisyon at magkaisa ang anim na Commissioners na bumubuo dito.

Giit ni Atty. Sarmiento, bilang isang collegial body ay hindi maganda ang pagkakawatak-watak ng mga opisyal ng COMELEC.

Matatandaang ipinanawagan ng anim na Commissioners ang pagbibitiw o pansamantalang pagli-leave ni Chairman Baustista sa kumisyon upang maisaayos at maasikaso ang mga kontrobersiyang inuugnay sa kanya at sa mismong kumisyon.

“Maganda yung ginawa niya sabi ko nga laudable and praiseworthy kasi nga unang una may panahon na ang COMELEC para magkaisa sila magkasama-sama in preparation for the forthcoming activities at ma-fulfill yung mandate niya sa ilalim ng Saligang Batas. Mabubuo na din kasi yung anim na Commissioners ay nag-ask for the resignation or leave ni Chairman Andy, hindi po maganda yun sa isang collegial body tulad ng COMELEC, dapat iisa po kayo, buo kayo so ngayong mabubuo na sila, sama sama na sila with the resignation of Chairman Andy…” pahayag ni Sarmiento sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, naniniwala rin si Atty. Sarmiento na makabubuti para sa pamilya ni Chairman Bautista ang kanyang pagbibitiw partikular na sa kanyang mga anak upang mas makasama at mabigyan ng mas mahabang oras.

Inaasahang magiging epektibo ang pagbibitiw sa katungkulan ni Chairman Bautista sa ika-31 ng Disyembre.

Pagbabahagi naman ni Atty. Rene Sarmiento ng isang ring dating COMELEC Commissioner, sakaling wala pang italaga ang Pangulo na kapalit ni Chairman Bautista ay pansamantalang pamumunuan ang kumisyon ng pinaka-senior na Commissioner ng COMELEC bilang pansamantalang acting Chairman nito.

Samantala, bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas ay tiniyak naman ni Atty. Sarmiento ang patuloy na pakikipagtulungan ng PPCRV sa COMELEC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 184,335 total views

 184,335 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 206,445 total views

 206,445 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 278,125 total views

 278,125 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 267,336 total views

 267,336 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top