One Million Children Praying the Rosary, inilunsad ng ACN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Kaugnay sa pagdiriwang ng simbahan sa buwan ng Oktubre bilang Rosary Month, naglunsad ng kampanya ang Aid to the Church in Need International ang “One Million Children Praying the Rosary”.

Ang programa ay bilang paggunita na rin sa ika-100 taon ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima sa Portugal

Ayon kay Cardinal Mauro Piacenza-pangulo ng pontifical foundation ACN ang paanyaya ay para sa lahat ng mga mananampalaya na ang pangunahing intensyon ay ipagdasal ang mga kabataan sa Syria –na pangunahing biktima ng karahasan dulot ng digmaan doon.

Naniniwala rin si Cardinal Piacenza na mahalagang iugnay ang mga kabataan sa peace campaign sa pamamagitan ng pagdarasal.

“In 2017 especially, the 100th anniversary of the appearances of the Queen of the Holy Rosary at Fatima, the best thing we ACN do for peace in this world is to take the message from heaven seriously. Is it not significant that God chose children in Fatima to be the recipients of the most momentous peace plan for the new age? The children understood the language of Our Lady and, most importantly, believed her words. Shouldn’t we be doing so much more to teach children and support them in playing a part in this peace plan, a plan that is more topical than ever today?” ang bahagi ng pahaya ni Piacenza.

Makikibahagi naman ang Pilipinas na isasagawang sabayang pagdarasal ng Rosaryo sa ika-18 ng Oktubre alas-9 ng umaga- na pangungunahan ng iba’t ibang diyosesis at religious community sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang ACN Philippines ay isa sa dalawang tanggapan ng ACN sa Asia- na nagpadala na rin mga materials para sa isasagawang pagrorosaryo.

Nagsimula ang kampanya na children’s Rosary campaign noong 2005 sa Venezuela kung saan noong nakalipas na taon ay may 69 na bansa ang nakiisa sa prayer campaign.

Maari ding i-download ang materials ng prayer campaign ng ACN sa: http://www.millionkidspraying.org

Sa tala ng pbs.org, umaabot na sa higit 400 libo ang namamatay sa limang taong digmaan sa Syria kung saan may 11.3 milyon ng populasyon nito ang nagsilikas.

Ayon pa sa UNICEF, 8.4 na milyong kabataan ang apektado ng karahasan at kaguluhan sa nasabing bansa.(Marian

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,416 total reads

 36,416 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,251 total reads

 72,251 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,521 total reads

 298,521 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 191,989 total reads

 191,989 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,077 total reads

 284,077 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,327 total reads

 6,327 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top