Paghingi ng tawad ng walang pagbabago, ipokrito – obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 296 total views

‘Ipokrito.’

Ganito isinalarawan ni Manila auxiliary bishop Broderick Pabillo, ang paghingi ng tawad at panalangin ni Philippine National Police Chief Director Chief Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa mga nagaganap na patayang may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon sa obispo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi katanggap-tanggap ang paghingi ng kapatawaran subalit patuloy pa ring ginagawa ang masamang pamamaraan.

Payo ni bishop Pabillo, kung talagang taos-puso ang pagsisisi at paghingi ng tawad, marapat na ihinto na ang masamang ginagawa, ayusin ang sistema ng kapulisan at arestuhin ang mga nasa likod ng vigilante killings.

“Ang paghingi ng tawad na hindi nagbabago ang paraan yan ay ipokrito! Hihingi ka ng tawad tapos tuloy ang gagawin mong pagpatay, sorry na lang ang tinamaan, anong sorry nila buti kung nasugatan lang eh pinatay nila yan. Kaya kung talagang nagsisisi yan at nanghihingi ng tawad itigil na hanap ng ibang paraan, ayusin ang kapulisan, hulihin ang mga gumagawa ng vigilante killings. Hindi sapat ang mangumpisal lamang at pagkatapos tuloy ang ginagawa mong kasalanan at least magkumpisal ka na magbago, kung walang pagbabago walang sorry yan, salita lang yan,” pahayag ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Una nang humingi ng tawad sa Diyos si Gen. Dela Rosa kaugnay sa mga patayang nagaganap kasabay ng paumanhin kung bakit kailangan maganap ang mga pamamaslang na ito at magpapatuloy pa.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na pinaghihinalaang users at pushers ang napatay mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 ng taon habang nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,161 total views

 85,161 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,161 total views

 85,161 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,161 total views

 85,161 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 82,600 total views

 82,600 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,416 total views

 75,416 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,647 total views

 196,647 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top