Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

SHARE THE TRUTH

 4,919 total views

Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga partisan o ilang pulitiko upang maproteksiyunan mula sa katiwalian.

Sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ay nilinaw ng ANIM na ang samahan ay nananatiling isang non-partisan citizens’ coalition na binubuo ng anim na pangunahing sektor ng lipunan kabilang na ang Simbahan, mga civic organizations, kabataan, negosyante, manggagawa, at mga retiradong miyembro ng militar at unipormadong hanay na naghahanap ng pagbabago sa lipunan.

Ayon kay Roberto Yap, Lead Convenor ng ANIM, layunin ng alyansa na ipagtanggol ang demokrasya, isulong ang pananagutan sa pamahalaan, at pangalagaan ang alituntunin ng batas.

“In light of various misleading news reports and online commentaries, the Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) issues this claritication to set the record straight. ANIM calegorically denies and rejects any insinuation or claim linking the organization or its convenors to partisan or unconstitutional activities. ANIM is, and will always remain, a non-partisan citizens’ coalition composed of six major sectors of society – the church, civic organizations, youth, business, labor, and retired military and uniformed personnel – united by a shared commitment to defend democracy. promote accountability, and uphold the rule of law.” Bahagi ng pahayag ng ANIM.

Binigyang-diin ng ANIM na nakatuon ang pagkilos ng koalisyon sa tatlong pangunahing adbokasiya na kinabibilangan ng; Ang Laban sa Korapsyon na nananawagan ng ganap na transparency at accountability sa lahat ng sangay ng pamahalaan; Ang Pagtatapos sa Political Dynasties na pagsusulong inclusive at merit-based leadership upang mawakasan ang monopolyo ng kapangyarihan ng iilang pamilya; at Ang Komprehensibong Reporma sa Halalan na nagsusulong ng malinis, mapagkakatiwalaan, at ligtas sa manipulasyon na proseso ng halalan na tunay na sumasalamin sa kalooban ng sambayanang Pilipino.

Pagbabahagi ni Yap, lahat ng gawain ng ANIM ay mapayapa, konstitusyonal, at nakabatay sa moral na paninindigan.

Ipinahayag din ng alyansa na hindi kinukunsinti ng grupo ang anumang aksyon o pahayag ng mga indibidwal na miyembro na salungat sa kanilang mga prinsipyo o kolektibong pasya.

“If there are individual members who make statements or take actions inconsistent with ANIM’s principles, advocacies, or collective decisions, they do so in their personal capacities. Such actions and pronouncements are not sanctioned, endorsed, or representative of ANIM as a movement” Dagdag ng grupo.

Samantala, nanawagan naman ang ANIM sa publiko na maging mapanuri laban sa disinformation at mga maling balita na naglalayong pahinain o dungisan ang mga makatuwirang kilusan na naagsusulong ng reporma sa bansa.

“We call on the public to remain vigilant against disinformation, false narratives, and divisive efforts meant to discredit legitimate, lawful, and moral movements for reform. The pursuit of truth, transparoney, and good governance is not an act of poitics it is an act of patriotism.” Ayon pa sa ANIM.

Iginiit ni Yap na ang misyon ng ANIM ay hindi nakatuon sa pulitika, kundi sa pagpapalakas ng pananampalataya sa demokrasya, katotohanan, at kabutihang panlahat kasabay ng pagsusulong ng tungkuling moral na higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon na puno ng maling impormasyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa katungkulan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Behind Closed Doors

 33,169 total views

 33,169 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 48,796 total views

 48,796 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 60,709 total views

 60,709 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 113,218 total views

 113,218 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 4,920 total views

 4,920 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

SOAP project, inilunsad ng PJPS

 9,495 total views

 9,495 total views Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang taunang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang

Read More »
Scroll to Top