Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa ng mga Pilipino mensahe ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

 245 total views

Pinaalalahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto ng Itim na Nazareno na pairalin ang pag-ibig at pagkakaisa kasabay ng isinagawang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Traslacion ng Imahen ng Poong Hesus Nazareno ngayon taong 2017.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagkakahati-hati na bunga ng panghuhusga ay siyang nagiging dahilan upang mawalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa kapwa.

Aniya, hindi dapat husgahan ang sinuman kahit ito ay nakagawa ng pagkakasala sapagkat tayo man ay nagkakasala at nakakalimot rin.

“Kasi po ang pagkakahati-hati kalimitan bunga ng panghuhusga, sila mali, ako tama, magkaiba kami kayo marumi, ako malinis magkaiba tayo.
Kayo balungkot ang isip ako tuwid maliwanag ang isip magkaiba tayo at kapag ganyan ng ganyan wala tayong maabot na pagkakaisa dahil walang kakayahan na sabihin hndi naman tayo iba sa isat isa.”

Hinikayat ng mahal na Kardinal ang lahat na sa halip na husgahan ang kapwa na nagkamali ay tulungan ito at huwag lalong yurakan.

“Kapag merong tao [na] natutukso huwag nating huhusgahan na [tayo’y] nagmamalinis na hinihiwalay ang sarili, sa halip alalahanin na tayo ay natutukso din at kung sya ay natutukso siguro kami ang dapat magtulungan.”

“Ito po ang uri ng pagibig na handang yakapin pati na ang mahihina at makasalan, sa halip na sila ay idiin, yurakan at Ilayo sa mga sarili”, dagdag pa ng Arsobispo ng Maynila.

Ngayong taon nakatuon ang tema ng traslacion sa “Pag-ibig ang buklod ng ganap na Pagkakaisa”.

Isinasagawa ang 10 kilometrong Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church tuwing ika-9 ng Enero kung saan 8 hanggang 10 milyong deboto ang taunang nakikibahagi sa nasabing tradisyon.

Higit sa 3 libong pulis kasama na ang mga barangaay tanod ang ipinakalat sa rutang dadaanan ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga debotong dadalo sa pagdiriwang.

Taong 2012 nang maitala ang pinakamatagal na prusisyon na tumagal ng 22 oras.

Magugunitang ito na ang ika-411 anibersaryo ng Itim na Nazareno dito sa Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,555 total views

 29,555 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,272 total views

 41,272 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,105 total views

 62,105 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,525 total views

 78,525 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,759 total views

 87,759 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Rowel Garcia

Simbahan bukas para sa lahat

 4,591 total views

 4,591 total views Bukas ang Simbahan para sa lahat at para sa pagkakasundo. Ito ang naging reaksyon ni Rev. Fr Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top