Pagkakatalaga kay Cardinal elect advincula, isang karangalan sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Capiz

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Isang karangalan sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Capiz ang pagkahirang ni Pope Francis kay Archbishop Jose Advincula Jr. bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.

Sa panayam ni Fr.Jose Arturo Emilio Arbatin ng Archdiocese of Capiz kay Cardinal-elect Advincula, itinuturing nito na isang karangalan hindi lamang para sa kanya lalu na sa mga mananampalataya ng Ardiyosesis ang appointment ng Santo Papa.

Lubos din ang pasasalamat ng Arsobispo ng Archdiocese of Capiz kay Pope Francis at sa Panginoon sa kanyang appointment bilang Cardinal.

Inamin ni Cardinal-elect na unang nagulat at hindi siya makapaniwala sa mga naglabasang balita ng kanyang pagkakatalaga.

‘Nakibot ako, wala gid nagsulod sa akon huna-huna, wala gud ako nagdumdom nga maabot ini.Nagapasalamat ako sa mahal nga diyos kag nagapasalamat ako sa aton Santo Papa sa sining iya ginahatag sa akon nga responsibilidad. Bisan matuod nga dungob man ini, dungob hindi lamang sa akon kundi sa mga tumuluo labi diri sa aton arkidiyosesis kang Capuz..”pahayag ni Cardinal elect Advincula sa panayam ni Fr.Emil

Ayon kay Cardinal elect Advincula, ang pagkakatalaga sa kanya ay pagkilala ng Santo Papa sa walang kapagurang ginagawa ng mga Pari upang mapayabong ang pananampalataya ng mga taga-Archdiocese of Capiz.

“Siguro ining pamaagi sang pagkilala sang aton Santo Papa sa pagtuo diri sang aton sangkatwhan sa Archdiocese of Capiz. Siguro nakita niya paagi sa iba nga nakapaabot sa iya kang ginahimo sang kaparian diri nga naga himud-os gid na mapatubo ang aton pagtuo “dagdag pahayag ni Cardinal Advincula

Ipinagdarasal din Cardinal elect Advincula ang patuloy na tulong ng Panginoon at mananampalataya na magampanan niya ang bagong misyon,ministry at responsibilidad na ini-atang sa kanya ni Pope Francis.

Ipinapanalangin din ng Cardinal elect na gamitin siya, mga Pari at mananampalataya upang lalong mapalago ang pananampalatayang Kristiyano.

“Ang akon nga pangamuyo luwas nga nagapasalamat ako sa sining pinasahe nga grasya gin hatag sa akon sang mahal nga Dios paagi sa aton nga Santo Papa, naga-pangamuyo ako sang padayon nga grasya, nga bulig nga matigayon ang akon mga bulhaton bilang arsobisoo ukon sa sining bag-ong responsibilidad. Siling ko pirme sa Dios, gamita lang ang mga tumuluo, mga kaparian, gamita ako para sa pagpadayon kang imo santa iglesia”.panalangin ng bagong Kardinal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,911 total views

 21,911 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,324 total views

 39,324 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,968 total views

 53,968 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,786 total views

 67,786 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,835 total views

 80,835 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 7,629 total views

 7,629 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top