384 total views
Nanawagan ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa mga opisyal ng pamahalaan na pangalagaan at unahin ang kapakanan ng mga Filipino.
Ito ang pahayag ng grupo sa nakababahalang pagdagsa ng mga Chinese retirees sa Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“The Sangguniang Layko ng Pilipinas is calling on our Senators and the members of the House of Representatives to stay vigilant and to stand by us, the common Filipino, in safeguarding the country from any clear and present danger.”
Batay sa datos ng Philippine Retirement Authority naitala ang pinakamataas na bilang ng mga dayuhang retiree na pumasok sa bansa ay mga Chinese na humigit kumulang sa 28,000.
Inamin naman ni National Security Adviser Seceretary Hermogenes Esperon na nakababahala at maaring banta sa seguridad ang pagdagsa ng mga Chinese retirees sa Pilipinas lalo’t ito ay mga bata pa sa edad na 35 taong gulang.
Iginiit ng Sangguniang Layko sa pamumuno ni Rouquel Ponte na bukod sa banta sa kalusugan ay nanganganib din ang kalagayan ng mga manggagawang Filipino.
“These young foreigners could not only take away jobs from the Filipinos but pose threat both to health and to our national security.”
Nabahala rin sa Vice President Leni Robredo sa pagdami ng mga Chinese retirees sapagkat malaking epekto nito sa sektor ng paggawa lalo’t asahan na itong magtrabaho sa mga Philippine Online Gaming Operations o POGOs na laganap ngayon sa bansa.
Bukod sa mga Chinese naitala rin ng PRA ang mataas na bilang ng mga Koreano sa 14,000 habang may 6,000 naman na mga Indian retirees.
Umaasa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas na magkaisa ang mga lider ng bansa sa paglaban at paninindigan para sa karapatan ng mga Filipino.
“Let no one take our jobs, our seas, our sovereignty! Let us stand together to protect our country!”