Archdiocese ng Lipa, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Quinta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Nagsasagawa na ng relief operations ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) matapos manalasa ang bagyong Quinta sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy officer ng LASAC, nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilang mga residenteng naaapektuhan ng bagyo at agad na ring pinaabutan ng tulong.

Sinabi rin ni Tangonan na may ilang lugar ang patuloy na nakararanas ng power outage at mga kalsadang hindi madaanan dahil sa mga nagtumbahang puno at matinding pagbaha.

May ilang mga residente rin mula sa Agoncillo at Talisay-ang mga biktimang nakaligtas sa pagligalig ng bulkang Taal kasunod ang krisis ng pandemya, ang higit ding naapektuhan ng bagyong Quinta at sumira sa kanilang mga hanapabuhay at ari-arian.

Ayon kay Tangonan, maliban sa emergency response at relief, higit na kailangan ng mga ito ng transitional shelters at ligtas na lugar na dapat na agarang matugunan sa gitna ng banta ng mga kalamidad.

Naglabas na rin ng panawagan ang Arkidiyosesis para sa mga biktima ng bagyong Quinta.

Para sa mga nais magpahatid ng kanilang tulong at donasyon, maaaring itong ipadala sa pamamagitan ng online banking o money transfer.

Para malaman ang bank account numbers at iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang facebook page sa www.facebook.com/LASACInc o tumawag sa numerong 0925-559-5968 o kaya 404-8057 local 101.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 86,459 total reads

 86,459 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 123,832 total reads

 123,832 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 155,093 total reads

 155,093 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 227,867 total reads

 227,867 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 317,887 total reads

 317,887 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 76,890 total reads

 76,890 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top