Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglingkuran ang pamayanan, hamon ni Archbishop Palma sa mga pari

SHARE THE TRUTH

 1,341 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pastol ng arkidiyosesis sa tungkuling pagmimisyon sa kawang itinalaga sa kanilang pangangalaga.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa Chrism Mass ng arkidiyosesis nitong March 28 kung saan iginiit ni Archbishop Palma ang kahalaghan ng bokasyong kaloob na tinanggap ng mga pari.

Sinabi ng opisyal na dapat isaisip ng mga pari ang paglilingkod sa pamayanan, isabuhay ang mga turo ng Panginoon gayundin ang pagiging mabuting huwaran sa lipunan

“It is God who had chosen, who had called, and who had sent us to mission. This is a gift. But, this gift is not so much a call to dignity but it is the ministry of service. We are anointed that we may anoint others. We are made holy so that we will make others instruments also of other’s holiness,” ani Archbishop Palma.

Umaasa ang arsobispo na maging masigasig ang mga lingkod ng simbahan sa pagmimisyon upang higit mapagyabong ang pananampalataya ng mamamayang ipinagkatiwala sa kanilang pangangala.

Batay sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021 nasa 612 ang mga pari ng arkidiyosesis kung saan 362 ang diocesan.

Katuwang ni Archbishop Palma sa pangangasiwa sa arkidiyosesis na may halos limang milyong katoliko sina Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo gayundin ang Bishop Emeritus na sina Bishop Emilio Batacaln at Bishop Antonio Ranola.

Ginanap ang Chrism Mass sa Cebu Metropolitan Cathedral kung saan sinariwa ng mga pari ang kanilang priestly vows gayundin ang pagbabasbas sa mga banal na langis na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,783 total views

 27,783 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,883 total views

 35,883 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,850 total views

 53,850 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,894 total views

 82,894 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,471 total views

 103,471 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top