Halimbawa ni Servant of God Chiara Lubich

SHARE THE TRUTH

 4,155 total views

Hinangaan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang mga halimbawa ni Servant of God, Chiara Lubich.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown masigasig ang tagapagtatag ng Focolare Movement sa pagmimisyon lalo na sa pagsusulong ng diyalogo sa pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, tradisyon at kulturang kinabibilangan ng mamamayan.

Tinuran ng nuncio ang gawain ni Lubich sa lipunan kung saan isinasabuhay ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa bawat taong nakakasalamuha.

“Being the first one to love is the Divine response, the divine method of dialogue,” ani Archbishop Brown.

Pinangunahan ng nuncio ang misa pasasalamat sa paggunita ng ika – 25 anibersaryo ng paggawad ng Doctorate -Honoris Causa – Sacred Theology kay Lubich ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas nitong March 12, 2023 na ginanap sa UST Medicine Auditorium.

Ito rin ang simula ng year-long celebration sa ikawalong dekadang pagkatatag ng Focolare Movement kung saan tema sa pagdiriwang ang “Chiara: Apostle of Dialogue,” bilang paggunita rin sa ika – 15 anibersaryo ng kamatayan ng lingkod ng simbahan.

1997 nang napagkasunduan ng CBCP ang paggawad ng honoris causa kay Lubich bilang pagkilala sa gawaing nagpapalaganap ng karisma ng pag-ibig at pagkakaisa tungo sa nagbubuklod na lipunan.

Bukod tanging si Lubich lamang ang laykong ginawaran ng pagkilala sa kasaysayan ng UST.

Kabilang sa mga nagbahagi ng mensahe sa pagtitipon si CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kung saan kinilala si Lubich bilang nangunguna sa pagpatupad ng kahalintulad ng gawaing synodality ni Pope Francis.

Gayundin si UST Rector Very Rev. Fr. Richard Ang, O.P., former UST Rector Fr. Rolando de la Rosa, O.P. – ang naggawad ng pagkilala kay Lubich; at si Focolare Movement President Margaret Karram.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang iba’t ibang christian ecuminical groups na kabilang sa tinututukan ng programa ng Focolare Movement.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 2,142 total views

 2,142 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 14,220 total views

 14,220 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 33,632 total views

 33,632 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 44,752 total views

 44,752 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 48,683 total views

 48,683 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Roy Mark Gutierrez

Paglingkuran ang pamayanan, hamon ni Archbishop Palma sa mga pari

 1,006 total views

 1,006 total views Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pastol ng arkidiyosesis sa tungkuling pagmimisyon sa kawang itinalaga sa kanilang pangangalaga. Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa Chrism Mass ng arkidiyosesis nitong March 28 kung saan iginiit ni Archbishop Palma ang kahalaghan ng bokasyong kaloob na tinanggap ng mga pari. Sinabi ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top