21,618 total views
Isinusulong ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang patuloy na pagsasabuhay sa diwa ng EDSA People Power Revolution higit na sa puso ng mga kabataan.
Iginiit ito ng CEAP sa kanilang panalangin na ‘Prayer for a Stronger Democracy’ sa pagdiriwang sa ika-apatnapung taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon sa CEAP, ang demokrasya na nakamit sa People Power ay hindi lang basta pamana sa mga susunod na henerasyon, ito ay responsibilidad na dapat mapangalagaan laban sa anumang banta na burahin ito sa kasaysayan.
“Forgive us, Lord, when we treat democracy as an inheritance instead of a responsibility. Forgive us when outrage replaces discernment, when loyalty replaces conscience, when comfort replaces conviction,” ayon sa panalangin ng CEAP.
Panalangin ng institusyon na huwag mawala ang katotohanan sa lipunan na ngayon ay pinapangambahang marahan na nawawala kasunod ng paghilom sa relasyon ng mga sektor na nagkakawatak-watak dahil sa hindi pagkakaintindihan.
Ipinagdarasal din ng CEAP ang ikakabuti ng mga kabataan na isabuhay ang demokrasya at huwag hayaan ang kasinungalingan tulad ng mga fake news na mabago ang katotohanan.
“Strengthen our democracy, Lord. Not only in law, but in character. Not only in elections, but in everyday choices. And when future generations ask what we did with the freedom handed to us, may we answer with clean hands, steady hearts, and a country made more just because we loved it well,” bahagi pa ng mensahe ng CEAP.
February 24, 2026 ng simulan ng CEAP ang EDSA Recall Youth Summit upang bukod sa pagdiriwang ng 40th Anniversarry ng People Power Revolution ay maipaalala sa mga kabataan ang katotohanan at mahahalagang naganap sa kasaysayan.






