Crypt ni Cardinal Sin sa Manila cathedral, bubuksan sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,048 total reads

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, bubuksan ng Manila Cathedral sa publiko ang crypt kung saan nakahimlay si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa February 25, 2026.

Sa pahayag ng pamunuan ng dambana, layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga nais magbigay-pugay sa kardinal na kinikilalang isa sa mga pangunahing personalidad sa mapayapang pag-aaklas noong 1986.

“On February 25, 2026, the 40th anniversary of the EDSA People Power Revolution, we will open to the public the crypt of the Manila Cathedral for those who may want to pay their respects to Jaime L. Cardinal Sin, our former archbishop, who played a major part in the restoration of our democracy in 1986. May our love for country be manifested in our continued pursuit of truth, justice, and peace,” ayon sa Manila Cathedral.

Matatandaang noong gabi ng February 22, 1986, nanawagan si Cardinal Sin sa pamamagitan ng Radio Veritas upang himukin ang mamamayan na magtungo sa EDSA at suportahan ang mga opisyal ng militar na kumalas sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang panawagang ito ang naging mitsa ng apat na araw na makasaysayang pagtitipon ng mamamayan sa EDSA, kung saan hinarap ng libu-libong Pilipino ang mga sundalo at tangke sa pamamagitan ng panalangin at rosaryo, isang pagkilos na nagbunsod sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Pumanaw si Cardinal Sin noong 2005 matapos ang matagal na karamdaman at kasalukuyang nakahimlay sa crypt ng Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,626 total reads

 72,626 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,805 total reads

 107,805 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,105 total reads

 143,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,374 total reads

 369,374 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,787 total reads

 258,787 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top