Hindi pa tapos ang laban sa tunay na kalayaan-PSDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,164 total views

Nanindigan ang Person in Street Dwelling Situations (PSDS) Ministry ng Archdiocese of Manila na nananatiling buhay ang diwa ng EDSA People Power makalipas ang apatnapung taon, lalo na para sa mga maralitang naninirahan sa lansangan.

Sa paggunita ng EDSA @40, binigyang-diin ng grupo na ang laban para sa tunay na kalayaan ay hindi pa tapos.

“Naniniwala pa rin tayo, kasama ang mga Lazaro ng kasalukuyang lipunan, na tayo ang People Power, noon, ngayon, bukas,” ayon sa pahayag ng PSDS sa Radyo Veritas.

Anila, kung noong 1986 ay nagkaisa ang sambayanan laban sa katiwalian at pang-aabuso, sa kasalukuyan ay nananatiling hamon ang umiiral na sistematikong kawalang katarungam na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino lalo ang mga nasa laylayan at mahihinang sektor ng lipunan.

“Forty years later, nakikita pa rin natin ang ating mga sarili na kinukurakot, pinagsasamantalahan, at inaapi ng mga lider na siyang dapat nangungunang magbigay, mag-gabay, at magsilbi,” mariing pahayag ng PSDS.

Partikular na tinukoy ng PSDS Ministry ang kalagayan ng mga persons in street-dwelling situations na madalas nagiging biktima ng mapanupil na mga polisiya at hindi makataong pagpapatupad ng mga clearing operations.

“Para sa mga PSDS, tama na ang mga pang-aabuso at panlalamang. Itigil na ang pananakit at pagnanakaw ng kanilang mga kagamitan sa isinasagawang mga ‘rescue’ at clearing operations,” anila.

Iginiit din ng ministry na ang mga maralita ay hindi lamang bahagi ng Simbahan kundi nasa puso mismo ng misyon nito.

Binigyang-diin ng grupo na kaisa sila ng Simbahan sa paniningil ng makatarungan at makataong pagtrato sa mga maralita.

“Kaisa ng Simbahan, kasama nating naniningil ng tunay na kalayaan para sa ating lahat ang aping-api na nating beloved PSDS,” giit ng grupo.

Hinimok ng PSDS Ministry ang mamamayan na ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at paninindigan para sa dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga dukha at inaapi, bilang kongkretong pagsasabuhay ng diwa ng EDSA People Power sa kasalukuyang panahon.

Ang RCAM – PSDS ministry ay itinatag noong September 2025 alinsunod sa kautusan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na pangunahing mandato ang palakasin ang paglilingkod ng lokal na simbahan sa mga dukha lalo na ang mga nasa lansangan.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Francisco Nicolas Magnaye, Jr., CM, ang tanggapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 65,477 total views

 65,477 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 140,091 total views

 140,091 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 220,170 total views

 220,170 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 263,309 total views

 263,309 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 260,459 total views

 260,459 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top