349 total views
July 28, 2020, 11:40AM
Offense against humanity ang pagpatay sa National Center for Mental Health (NCMH) Medical Chief Dr. Roland Cortez.
Ito ang naging pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Health Care Vice-chairman at Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa pagpatay sa kay NCMH Chief Cortez at sa kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz nitong Lunes ng umaga sa Tandang Sora, Quezon City.
Tinawag ni Bishop Florencio na “crime against humanity” ang pagpatay dahil higit na kailangan ang pagtugon sa mental health ng mamamayan na nahaharap bansa sa krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Ayon sa Obispo, nakakagulat na may mga medical frontliners ang nagiging biktima ng karahasan sa gitna ng pangkalusugang krisis.
“This is an offense against humanity because the fight against COVID is not just about medical, or about economy but also a fight for a stable mental health. We are in the midst of pandemic and a loss of a medical professional is something we do not expect. They are our frontliners.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas
Hinikayat rin ng Obispo ang mga Filipino na ipagdasal ang mga nasawi at ang mga nagkasala upang kanilang isaalang-alang ang mas malaking epekto ng kanilang mga desisyon.
“I would like to enjoin everyone to pray for the slain medical professional and his driver. Let us also pray for the perpetrators that they will also consider even if they are aggrieved for one reason or another, they should always think for the greater impact their acts will have to the greater populace.” panawagan ng Obispo
Una nang nagpahayag ng pagka-alarma at pagkabigla ang Department of Health sa pagpatay sa doktor at driver nito.
Ipinaabot rin ng ahensya ang pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak ang pakikipagtulungan sa awtoridad para mabigyang hustisya ang krimen.
Kaisa naman ang Simbahan sa panawagan na pahalagahan ang mental health ng mga Filipino.
Kaugnay nito, bumuo ang CBCP sa pangunguna ng Episcopal Commission on Health Care ng isang talaan ng mental health services para sa mga medical worker gayundin sa mamamayan na lubhang naapektuhan ng stress dulot pandemyang kinahaharap ng buong mundo.
Batay sa survey ng SWS nitong Hulyo, 86% o siyam sa sampung Filipino ang nakararanas ng stress dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.