Pagsisimula ng voter’s registration, suportado ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,657 total views

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang suporta para sa muling pagbubukas ng Commission on Election (COMELEC) ng voters registration sa susunod na linggo.

Tiniyak ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano sa COMELEC ang pakikiisa sa pagsusulong ng kampanya para sa voters registration na magsisimula sa ika-9 ng Disyembre, 2022 hanggang sa ika-31 ng Enero 2023.

“Ang PPCRV ay nakikiisa sa pagbubukas muli ng voters registration campaign natin na magsisimula na specifically starting on December 9, 2022 hanggang January 31, 2023.” Ang bahagi ng pahayag ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano sa Radio Veritas.

Pangungunahan din ng PPCRV ang pagpapalaganap ng impormasyon at pagkumbinsi sa mga hindi pa rehistradong botante na samantalahin ang voters registration ng COMELEC.

Pinuri rin ni Serrano ang iniyatibo ng COMELEC na higit na mahikayat ang mamamayan na magparehistro sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project upang mapadali at mailapit ang proseso ng pagpaparehistro.

Sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project ng COMELEC ay maaring magpatala ang mga hindi pa rehistradong botante sa limang NCR malls ng Robinsons maging araw ng Sabado at Linggo mula ika-10 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-29 ng Enero, 2023 maliban na lamang sa mga araw na tatamaan ng December 24 at 25 gayundin ang December 31 to January 1.

Sa muling pagbubukas ng voters registration ay inaasahan ng COMELEC na aabot sa 5-milyon ang mga bagong botante na makapagpapatala.

Bagamat tutol ang iba’t ibang sektor ng lipunan maging ang Simbahan sa pangunguna ng Caritas Philippines sa muling pagsuspendi sa halalang pambarangay ay naniniwala naman ang Simbahan na mahalaga ang aktibong pakikisangkot ng bawat mamamayan sa kabuuang proseso ng halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 131,112 total views

 131,112 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 153,222 total views

 153,222 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 226,767 total views

 226,767 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 220,333 total views

 220,333 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top