Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsubok na dulot ng bagyo at COVID-19, mapagtatagumpayan sa panalangin at pagtitiwala sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

 455 total views

Hinihikayat ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang mananampalataya na patuloy na manalangin at magpasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng Novel Coronavirus at bagyong Odette lalo na sa Visayas region.

Ang panawagan ng Obispo ay kaugnay na rin sa nalalapit na Kapistahan ng Santo Niño o Pit Señor.

Giit ng Obispo na ang lahat ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa at sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

“I hope that the timeliness of the season is a sign that God is with us and helping us. In the midst of adversities, we will rise again,” ayon kay Bishop Cortes.

Ayon pa kay Bishop Cortes, masasalamin din sa sama-samang pagtutulungan at malasakit sa kapwa ang pagiging isa ng mga tao sa Panginoon upang muling makabangon mula sa iba’t ibang pagsubok.

Sa January 16, ipagdiriwang ng sambayang Katoliko ang Pista ng Batang Hesus sa kabila ng mga pagbabago dahil sa banta ng omicron variant ng COVID-19.

Bagamat maraming gawain ang naipagpaliban, sinabi naman ni Cebu Archbishop Palma na hindi nagbabago ang debosyon ng bawat mananampalataya.

Una na rin ipinag-utos ng Arkidiyosesis ang pagdiriwang ng misa ng bawat parokya para sa kapistahan upang maiwasan ang pagtitipon lalo na sa Basilica ng Santo Niño.

Ang panuntunan ng simbahan ay inihayag bago pa man itaas sa alert level 3 status ang Cebu City na magsisimula bukas.

Sa ilalim ng community status, ipinagbabawal ang paggala ng mga hindi pa bakunadong indibidwal lalo na sa mga shopping malls at closed door establishments simula bukas hanggang sa katapusan ng Enero.

Naitala naman sa pinakamataas na higit sa 30-libo ang kaso ng mga nahawaan sa loob lamang ng isang araw.

Typhoon Odette

Isang buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette, patuloy din ang isinasagawang pamamahagi ng tulong ng Diyosesis ng Dumaguete sa nsasakupang lugar na napinsala ng kalamidad.

Ayon pa kay Bishop Cortes, 10 parokya na nasasakop ng Diyosesis sa bahagi ng Negros Oriental ang labis na napinsala ng bagyo.

Nagpapasalamat naman ang Obispo sa mga natanggap na tulong para sa kanilang mga kababayang nasalanta.

Kabilang ang Dumaguete sa tumanggap ng tulong mula sa Caritas Manila na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso bilang tulong at rehabilitasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,263 total views

 29,263 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,247 total views

 47,247 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,184 total views

 67,184 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,081 total views

 84,081 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,456 total views

 97,456 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 30,779 total views

 30,779 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 12,189 total views

 12,189 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top