Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pari, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kakulangan sa healthcare workers

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Muling nanawagan sa pamahalaan ang Philippine General Hospital Chaplaincy kaugnay sa kakulangan ng healthcare workers sa mga ospital sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay PGH Chaplain head at Jesuit priest Marlito Ocon, nawa’y dinggin na ng Administrasyong Duterte ang matagal nang hinaing ng mga healthcare workers na pahinga at makakatuwang sa paglutas sa pandemya.

Aniya, lubos nang nahihirapan ang mga medical frontliners dahil sa labis na oras ng pagtatrabaho dulot ng kakulangan sa mga empleyado sa mga ospital na nagiging sanhi na rin ng pagkakasakit.

“Sana po pakinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga healthworkers na hanapan ng paraan… Sana matugunan din nila kung ano ba talagang problema at hindi sila maka-hire ng mga pansamantalang hahalili sa mga nagkakasakit na medical workers,” pahayag ni Fr. Ocon sa Radio Veritas.

Giit ng Pari na tila walang konkretong solusyon ang pamahalaan hinggil sa suliranin ng sektor ng kalusugan kaya’t magpahanggang-ngayon ay nahihirapan ang bansa na malunasan ang umiiral na pandemya.

“So, parang madalas ang sagot ay wala talaga. Parang hinayaan na ganon na wala talagang magawa. Kung totoo man na wala talaga e magsa-suffer talaga tayong lahat,” giit ng Pari.

Nauna nang sinabi ni Fr. Ocon na hindi na takot sa virus ang kalaban ng mga health workers, kundi ang pagkapagod sa misyong lunasan ang karamdaman ng mga pasyenteng lubos na apektado ng COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ng ospital na si Doctor Jonas del Rosario, nasa halos 400 empleyado nito ang nagpositibo sa virus.

Samantala, kasalukuyan ding nasa 300 na ang COVID-19 patients sa PGH kung saan 25-porsyento rito ang nakakaranas ng mild symptoms, 35-porsyento ang moderate, 20-porsyento ang severe, at 10-porsyento naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Habang naitala naman ng Department of Health ang 34,021 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan upang umabot sa 237,387 ang aktibong kaso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 2,719 total views

 2,719 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 15,461 total views

 15,461 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 35,385 total views

 35,385 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 41,393 total views

 41,393 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 49,654 total views

 49,654 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

RCAM at CSMC, lumagda sa MOA

 58 total views

 58 total views Muling pinagtibay ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at ng tanggapan ng Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM) ang Memorandum of Agreement (MOA),

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top