Pagtanda ng ating Populasyon

SHARE THE TRUTH

 68,624 total views

Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada.

Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito. Ayon nga sa Commission on Population Education, maituturing ng aging population ang ating bansa pagdating ng 2030. Dumadami na ang mga Pilipinong may edad 60 pataas.

Handa ba tayo para dito?

Kapatid, kung titingnan natin ang estado ng social protection at pension programs sa ating bansa, hindi pa ready ang ating bayan sa transition tungo sa pagiging aging society. Kung titingnan din natin ang health care costs para sa elderly health care needs, marami pa tayong kailangang gawin upang maging abot-kaya ito para sa ating mga nakatatandang mamamayan.

Kaya nga’t ang aging ay source of insecurity ng maraming mga mamamayan. Sabay kasi ng samut-saring pagbabago sa katawan ng tao, ay ang pagliit din ng kita nito, lalo na kung walang naipon o inihandang retirement benefits.

May isang pag-aaral nga na nagsasabi na ang mga seniors natin ay mababa ang income at mababa din ang assets, kaya’t marami ang nagnanais na magtrabaho kahit pa nasa retirement age na. Mga apat sa sampung respondents ng pag-aaral na ito ang nagsasabi na ang household income nila ay sapat lamang para sa kanilang gastusin. Kapag nabawasan pa ito ng retirement, bitin na.

May mga maswerteng seniors na nakakapagpundar ng ari-arian, gaya ng bahay at lupa. Liban dito, mga 6% lamang sa kanila ang mga bank accounts, 12% ang may personal na cash, at mga 11% ay may real estate. Mga 15% naman sa kanila ay may liabilities o pagkakautang.

Kapanalig, malinaw na kailangang maghanda ng bayan para sa transition ng aging population sa ating bansa, na magsisimula na ng 2030 – anim na taon mula ngayon. Marami ng hinaing ang mga seniors natin dati pa, at hanggang ngayon ay hindi ito napapansin. Mga ehemplo nito ay ang mababang pension, na ayon sa seniors ay hindi pa sapat para sa kanilang pangangailangan, mga oportunidad at trabaho na angkop sa kanilang edad, at ang affordable health care.

Kailangan nating bigyan ng agarang atensyon ito bago pa mahuli ang lahat. Isa ito sa mga hamon na babago sa social landscape ng ating bayan, at kung hindi natin ito malalapatan ng angkop na solusyon, magpapatong patong ang problema ng bayan, na magtutulak pa sa mas maraming kabahayan sa karalitaan. Sabi nga ni Pope Francis noong Setyembre 2014, sa kanyang pakikisalamuha sa mga elderly sa St. Peter’s Square: ang old age ay “a time of grace.” Nagbabala din siya na walang future o kinabukasan ang mga lipunan na hindi nangangalaga sa kanilang mga seniors.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,932 total views

 79,932 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,936 total views

 90,936 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,741 total views

 98,741 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,983 total views

 111,983 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,505 total views

 123,505 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,933 total views

 79,933 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 90,937 total views

 90,937 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 98,742 total views

 98,742 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,984 total views

 111,984 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top