Pagtanggal sa “Ninja-Cops”, inaasahan sa pagbibitiw ni PNP Chief Albayalde

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total reads

Hindi dapat magtapos ang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga ninja cops sa pagbibitiw ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kanyang posisyon.

Ito ang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity kasunod ng pagbibitiw ni Albayalde na nauugnay sa usapin ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Iginiit ng Obispo ang patuloy na imbestigasyon sapagkat hindi lamang ito tungkol kay Albayalde kungdi sa kabuuang kredibilidad at katapatan ng mga kawani ng Philippine National Police.

Nanindigan si Bishop Pabillo na ang pagbibitiw ni Albayalde ay isang tanda na may totoong problema ng ninja cops sa bansa na nararapat matutukan at mapanagot sa batas.

“Yung pagreresign ni General Albayalde ay isang tanda na may problema talaga sa ninja cops. Sana hindi magtatapos ang investigation tungkol sa ninja cops dahil sa nag-resign siya. Dapat ipagpatuloy ang pag-iimbestiga nito kasi hindi lang naman yan tungkol kay Albayalde ngunit tungkol yan sa buong PNP (Philippine National Police) na mayroong ganito at nagpoprotektahan yung mga criminal. Sana matanggal na…” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang Obispo sa mga ninja cops o mga tiwaling pulis na nagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng mga ninja cops na pagkastigo sa mga mamamayan gayong sila ang tunay na may kaugnayan sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Ang nakakalungkot kasi yung mga pulis at PNP ang ginagamit na panlaban sa mga drug-addicts kuno ngunit sila din pala ang nagpapalaganap ng drug addiction kaya ito’y dapat talagang matanggal kasi napakasama nito, binibintangan yung mga tao pero sila din pala ang involve dito…” dagdag pahayag ng Obispo

Sa kanyang talumpati kasunod ng isinagawang Flag Ceremony sa Camp Crame ay personal na inanunsyo ni Albayalde ang paghahain niya ng ‘non-duty’ status o pagbakante sa kanyang tanggapan bilang hepe ng PNP tatlong linggo bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro sa ika-8 ng Nobyembre.

Magsisilbi namang pansamantalang officer-in-charge ng PNP si Lt. Gen. Archie Gamboa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,821 total reads

 13,821 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,569 total reads

 48,569 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,051 total reads

 85,051 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,263 total reads

 103,263 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,871 total reads

 186,871 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top