Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

SHARE THE TRUTH

 52,171 total views

Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay.

Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala ang pagkakataon para iangat ang sarili, lalo na’t paparating na naman ang eleksyon. May mga nagbigay ng relief goods na may nakadikit na mga pangalan at mukha nila. May mga naghatid ng pagkaing pantawid gutom—pantawid kasi kakarampot lang ang laman—na ang lalagyan ay may sticker na may pangalan at mukha ng mga pulitiko. Epal na epal talaga.

May kumalat ding video ng isang lokal na opisyal na nagpamudmod ng pera sa kanyang constituents habang nakasakay siya sa isang rubber boat. Para nga siyang haring nakatayo sa bangkang hinihila ng mga tauhan niya. Prenteng nakaupo naman ang kanyang anak na may posisyon din sa probinsya. Ang mga inaabutan naman ng pera ay nakababad sa umaagos na baha. Nakatanghod sila at nakataas ang mga kamay na tila nagmamakaawa sa congressman. Nag-uunahan silang maabutan ng perang makatutulong sa kanilang makabili ng pagkain o anumang pangangailangan nila.

Hindi natin masisisi ang mga kababayan nating desperado dahil sa kanilang sitwasyon, ngunit napakababa naman ng turing sa kanila ng isa sa mga ama ng kanilang lalawigan. Pwede namang ipamigay ang tulong sa sistemikong paraan—isa-isang bibisitahin ang mga tao o titipunin sila sa isang tuyong lugar. Lumitaw na ngang walang maayos na plano ang lokal na pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng mga tao sa panahon ng kalamidad, parang sinusuhulan pa ng opisyal ang mga táong ilang taon nang nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan sa loob ng maraming taon. Kilalang political dynasty ang pamilya ng mag-amang pulitiko.

Sa kanyang bagong labas na ensiklikal na pinamagatang Dilexit Nos, inilarawan ni Pope Francis ang tinatawag na “Christian charity” o Kristiyanong pagkakawanggawa. Iba raw ito sa ibang uri ng pag-aabot ng tulong sa iba, lalo na sa mahihirap, dayuhan, at itinuturing na iba sa lipunan. Ang Kristiyanong pagkakawanggawa ay gumagalang sa angking dangal ng tao. Tayong mga mananampalataya ay tinatawag na pagtuunan ng pansin ang paghihirap at mga pangangailangan ng ating kapwa. Pero hindi lamang ito simpleng pag-aabot ng tulong at lalong hindi ito para iangat ang ating sarili para purihin ng iba. Ang pagkakawanggawang hinihingi sa atin ay kumikilala sa dignidad na taglay ng tumatanggap ng ating tulong.

Hindi ito nangyayari kung ang pagkakawanggawa ay nagpapatingkad sa ating hindi pagkakapantay-pantay—sa malaking agwat ng mayayaman at mahihirap, ng makapangyarihan at mahihina, ng mga nabubuhay sa pribilehiyo at nagdurusa sa karukhaan. Huwad at hungkag na pagkakawanggawa ito.

Taun-taon tayong nakararanas ng matitinding kalamidad gaya ng mapaminsalang mga bagyo. Kung pwede nga lang sanang hindi mangyari ang mga ito, pero hindi ito posible. Ang mga pangyayaring ito ay mga pagkakataon upang magpaabot ng kabutihan sa ating kapwa, lalo na sa mga dukha. Mga pagkakataon ito para maipakita ang puso ni Hesus, ang puso Niyang ayon pa rin kay Pope Francis, ay natural na tanda at simbolo ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Kung ang puso ni Hesus ang nais nating maipakita sa ating pagkakawanggawa, dapat nating kilalanin na ang mga aabutan natin ng tulong ay mga taong kapantay natin sa dignidad. Hindi sila parang mga hayop na hinahagisan lang ng pagkain.

Mga Kapanalig, radikal ang pag-ibig na umuudyok sa Kristiyanong pagkakawanggawa. Ito ay pag-ibig na, gaya ng sinasabi sa 1 Juan 3:16, handang mag-alay ng buhay para sa ating mga kapatid. Ang unang hakbang nito ay ang pagturing sa iba bilang kapwa-tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,393 total views

 10,393 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 19,103 total views

 19,103 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 27,862 total views

 27,862 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 36,255 total views

 36,255 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 44,272 total views

 44,272 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,394 total views

 10,394 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 19,104 total views

 19,104 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 27,863 total views

 27,863 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 36,256 total views

 36,256 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 44,273 total views

 44,273 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 44,530 total views

 44,530 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 50,000 total views

 50,000 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 41,541 total views

 41,541 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 43,578 total views

 43,578 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 54,607 total views

 54,607 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 59,380 total views

 59,380 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 64,847 total views

 64,847 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 70,301 total views

 70,301 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 42,223 total views

 42,223 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,737 total views

 60,737 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top