Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,091 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Agosto 2024
Larawan kuha ng may-akda, Sacred heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2024.
Halina't magpahingalay
hindi lamang upang mapawi
pagod at hirap
kungdi sarili ay mabawi
sa kawalang kabuluhan
at mga kaguluhan,
pagkawindang mapigilan
kaayusan ng buhay
ay mabalikan;
limang tanong
sana makatulong
upang landas ng 
makatuturang buhay
ating masundan:
Larawan kuha ng may-akda sa Alfonso, Cavite, Abril 2024.
"Nasaan ka?"

Kay gandang balikan
nang ang Diyos ay unang
mangusap sa tao,
ito ang kanyang tanong
sa lalaking nagkasala
at nagtago, "nasaan ka?"
Nang maganap unang krimen,
Diyos ay nagtanong din
kay Cain, "nasaan 
kapatid mong si Abel?"

"Nasaan" lagi nating tanong
lalo na't sarili ang nawawala
tumutukoy di lamang sa lunan
kungdi sa kalagayan
at katayuan ng sarili
madalas ay sablay
at mabuway; 
magpahingalay
upang tumatag at maging
matiwasay.
Larawan kuha ng may-akda sa Camp John Hay, Baguio City, 12 Hulyo 2023.
Susunod na dalawang tanong
ay magkadugtong:
"Saan ka pupunta?" at
"Paano ka makakarating doon?"

Walang mararating
at kahihinatnan
sino mang hindi alam
kanyang pupuntahan
maski na moon na tinitingala
hindi matingnan, magroadtrip 
broom broom man lamang!
Muling mangarap
libre at masarap
higit sa lahat 
magkaroon ng layon 
na inaasam-asam!
Larawan kuha ni Bb. Ria De Vera sa Banff, Alberta, Canada, 07 Agosto 2024.
Nasaan ka?
Saan ka pupunta?
Paano ka makakarating doon?
Ang mga unang tatlong tanong
sa ating pamamahingalay nitong
paglalakbay ng buhay;
ika-apat na tanong naman dapat
nating pagnilayan ay
"Ano aking dadalhin sa paglalakbay?"

Marahil pinakamahalagang
dalhin ang ating sarili
hindi mga gamit 
o kasangkapan
dahil kaalinsabay 
ng mga dalahin
ay ating mga iiwanan din;
huwag nang magkalat ng gamit
bagkus iwanan ay bakas
ng mabuting katauhan
pagmamalasakit sa iba pang
naglalakbay sa landas nitong buhay!
Larawan kuha ng may-akda, St. Scholastica Spiritual Center, Tagaytay, 21 Agosto 2024.
Ngayo'y dumako tayo
sa huling tanong nitong
pagpapahingalay upang
mabawi ating sarii
di lamang pagod ay mapawi:
"Sino iyong kasama sa paglalakbay
sa buhay?"

Ito marahil pinakamahirap
sagutin maski harapin
dahil problema natin
hindi naman mga nabigong
pangarap at adhikain
 kungdi nasira at nawasak
nating mga ugnayan
bilang pamilya
at magkakaibigan;
may kasabihan mga African,
kung ibig mong maglakbay
ng mabilis, lumakad kang mag-isa
ngunit kung ibig mong malayo marating,
magsama ka ng kasabay sa paglalakbay.
Dito ating makikita
diwa at buod ng tunay
na pagpapahingalay
o pagpapahinga:
mula sa salitang "hinga"
ang magpahinga
ay mahingahan ng iba,
mapuno ng iba;
mauubos tayo parang upos
sa dami ng ibig nating
maabot at marating,
huwag mag-atubiling
tumigil,
mamahinga,
magpahingalay
sa Panginoong Diyos
na Siya nating buhay
at kaganapan
na tiyak din nating
hahantungan
sa walang hanggang
pahingalay.
Hayaang Siya
sa ating umalalay
at pumuno ng hininga ng buhay!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 3,112 total views

 3,112 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 14,596 total views

 14,596 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 30,285 total views

 30,285 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 31,159 total views

 31,159 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 41,301 total views

 41,301 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Praying for joy

 701 total views

 701 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Sixth Week of Easter, 30 May

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Kapatiran at sinodo sa lipatan

 701 total views

 701 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-29 ng Mayo 2025 Larawan kuha ng may-akda, St. Scholantica Retreat House, Tagaytay City,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The need for sensitivity

 706 total views

 706 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 28 May 2025 Photo by author, Cota da Cabo, Pundaquit, San Antonio, Zambales, 15 May

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Praying to “do no harm”

 708 total views

 708 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Sixth Week of Easter, 27 May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top