Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, pinakikilos ng Obispo sa malawakang rice smuggling at hoarding

SHARE THE TRUTH

 491 total views

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kumilos at tugunan ng pamahalaan ang rice smuggling at hoarding na dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Ipinagdarasal ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa gumawa ng konkretong hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino.

“We pray, Lord hear the cry of the poor who always struggle to find food in their daily life. We pray that our leaders find a just solution to the issues of smuggling, hoarding and the high price of rice. Amen,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Inihalintulad ng Obispo ang bigas sa ‘buhay’ na nagbibigay ng sapat na lakas sa bawat Pilipino upang makapag-patuloy sa pang araw-araw na pamumuhay.

Iginiit ni Bishop Mallari na mahalagang matugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas upang mabawasan ang bigat na pasanin ng ordinaryong mamamayan.

“Nowadays people would always say ‘kilay is life’, for a good majority of Filipino people, it’s not the kilay that completes their life neither a coke adds life to their daily existence! it is rice! Rice is a daily necessity, rice is life,” ayon pa sa mensahe ng Obispo na ipinadala sa Radio Veritas.

Kilala ang lalawigan ng Nueva Ecija bilang Rice Granary of the Philippines na pangunahing nagsusuplay ng bigas sa buong bansa.

Naunang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na tiyakin ang sapat na suplay ang bigas upang maging balanse ang presyo nito sa merkado.

Sa talaan ng Department of Agriculture, nasa 38 hanggang 60-pesos ang presyo ng kilo ng bigas sa mga pamilihan ng National Capital Region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 14,766 total views

 14,766 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 65,300 total views

 65,300 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 95,260 total views

 95,260 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 109,139 total views

 109,139 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 19,756 total views

 19,756 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 18,578 total views

 18,578 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567