National Shrine of the Sacred Heart, magsasagawa ng devotional exhibit sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,243 total views

Inaanyayahan ng National Shrine of the Sacred Heart ang mananampalataya sa devotional exhibit ng Sacred Heart of Jesus ngayong Agosto bilang isa sa mga tampok na gawain sa 350th Jubilee Year ng apparition ng Sacred Heart.

Ayon kay Shrine Team Ministry Member at Radio Veritas, President Fr. Roy Bellen magandang pagkakataon ito upang matulungan ang mananampalataya na mapalawak ang kamalayan hinggil sa debosyon ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

Ito ay pagkakataon din na alalahanin ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng mga kahinaang taglay ng tao.

“Ngayong taon 2025 ang ika – 350th year mula ng ihayag ng ating Panginoon sa pamamagitan ng santa ang kanyang nag-uumapaw na pag-ibig sa sangkatauhan sa kabila ng kasalanan at salat na pagmamahal ng tao sa Diyos,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Fr. Bellen na pinaiigting ng national shrine ang pagsusulong sa debosyon ng Sacred Heart of Jesus sa pamamagitan ng mga gawaing magpapalago sa pananampalataya ng mamamayan tulad ng isasagawang devotional exhibit.

“Dalawin po ninyo ang exhibit at ito’y makatutulong sa paglawak ng ating kamalayan tungkol sa debosyon at makapagpalalim din sa ating pananampalataya,” giit ni Fr. Bellen.

Pasisinayaan ang exhibit sa August 1, kasabay ng First Friday devotion sa Mall of Asia sa Pasay City partikular sa Skypark sa bahagi ng MOA Sanctuary sa ikaapat na palapag ng establisimiyento.

Bukas sa publiko ang exhibit tuwing mall hours mula August 2 hanggang October 31, 2025.

Batay sa kasaysayan sa pagitan ng 1673 hanggang 1675 nang sunod-sunod na magpakita si Hesus sa visionary French Visitation nun na si St. Margaret Mary Alacoque sa Visitation Monastery sa Paray-le-Monial, France kung saan hiniling na isulong ang ipalaganap ang debosyon sa Sacred Heart.

Noong June 1675 ang tinaguriang ‘Great Apparition’ kung saan itinuro ni Hesus ang Kanyang Puso na napapalibutan ng mga tinik, may ningas at may krus kasabay ng kahilingang itatag ang kapistahan ng Sacred Heart sa araw ng Biyernes makalipas ang octaba ng Corpus Christi bilang kabayaran sa lahat ng kasalanan laban sa Puso ni Hesus.

Bagamat may agam-agam ang simbahan ay nagtagumpay ang pagsusulong sa debosyon ng Sacred Heart sa tulong ni St. Claude de la Colombière ang confessor ni St. Margaret Mary at naitatag ang kapistahan noong 1856 sa pamamagitan ni Pope Pius IX.

Tampok sa exhibit ang original painting ng Sacred Heart of Jesus ng national shrine na nilikha ni Fr Arman Tangi, SSP, ang relic nina Sts. Margaret Mary Alacoque at St. Claude de la Colombière.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 7,706 total views

 7,706 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 25,506 total views

 25,506 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 25,506 total views

 25,506 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 139,107 total views

 139,107 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 161,072 total views

 161,072 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 997 total views

 997 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top