Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 165,882 total reads

In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness . . . he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross. Because of this, God greatly exalted him. . .” (2:7-9).

Ipinaunawa sa atin ng “Mark 10:45-For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.”

Sa Pilipinas, mayroon pa bang tao lalu na ang mga opisyal ng pamahalaan na nakahandang mag-alay ng sarili para sa kapakanan ng bayan at mamamayan? Kapanalig, may kilala ka bang opisyal ng gobyerno na totoong pinaglilingkuran ang taumbayan na nagluklok sa kanya sa poder at kapangyarihan? Kabaliktaran ang nangyayari, sila ang ating pinaglilingkuran sa halip na tayo.

Kapanalig ang paglilingkod sa sarili, kamag-anak, kaibigan ng mga halal na opisyal ng gobyerno ang puno’t-dulo ng hindi masawatang kanser ng corruption sa bansa.

Noon panahon ba ng mga ninuno natin, mga Datu… mga Rajah..,talamak din kaya ang korapsyon?

Sa 17 naging pangulo ng Pilipinas, halos lahat ay nag-iwan ng “legacy of corruption”. Wala sa kanila ang nakapagpahinto ng katiwalian., bagkus sila din mismo ay sangkot kung hindi man ay “accessory to the crime”.

Ipinagyabang ng dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sasantuhin ang korapsyon., wawalisin niya ang laganap na kultura ng katiwalian. Tulad ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas, puro satsat at walang aksyon din. Noong 2021, nasangkot ito sa paggamit ng 67.3-bilyong pisong pondo na ginamit ng DOH laban sa COVID-19 pandemic kabilang dito ang 41-bilyong piso na inilipat sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na nai-award sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na may kaugnayan sa pangulo ng bansa. Noong 2018, natuklasan ng COA na 583.5-bilyong piso ng 3.35-trilyong pisong pambansang budget ang nawala., nasayang o di kaya’y naibulsa.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, 402-bilyong piso na kuwestiyunableng proyekto ang sinuspendi ng COA.,160.7-bilyong piso ang projects in litigation habang 20-bilyong piso ang tuluyang pinahinto. Tinataya ng OMBUDSMAN na 670-bilyong pisong pondo ng bayan ang napunta sa corruption noong 2017.,752-bilyong piso noong 2018..Nabunyag din na 20-porsiyento ng 3.75-trilyong pisong nationalbudget noong 2019 ang nawala sa korapsyon., 20-percent ng 4.1-trilyong piso sa taong 2020 at 20-percent din ng 4.5-trilyong pisong budget noong 2021. Trilyong pisong pera ng taumbayan na ang nawawala Kapanalig, wala man lang naparusahan.

Kung pangmalakasan ang corruption sa Duterte administration., silipin natin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pamumuno ni PBBM, tinatayang 1.4-bilyong piso kada araw ang ginagasta ng gobyerno sa mga flood control projetcs pa lamang. Sa pagtaya, mula taong 2009 hanggang 2024., 1.2-trilyong pisong pondo na ang nalustay ng pamahalaan sa flood control projects. Anong nangyari Kapanalig? Noong 2024, nalubog sa baha ang maraming lugar sa bansa., lalu na ang Metro Manila. Anong nangyari DPWH? Tila wala naman kayong nagawang proyekto para mapigilan ang pagbaha? Ngayong 2025, 254.29-bilyong piso ang inilaan na budget sa DPWH para lamang sa Flood Management Program ng ahensiya. Wala na namang ginawa ang DPWH at MMDA., nanalasa ang sama ng panahon dala ng hanging Habagat., lubog na naman sa baha ang NCR at karatig lalawigan, meron pang namatay matapos malunod sa tubig baha. Kapanalig, nakakalungkot na dahil sa kahinaan ng pangulong Marcos, malalang korapsyon at pagiging pulpol ng mga engineers sa DPWH, taon-taon., trilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan., bilyun-bilyong pisong imprastraktura at ari-arian ang nawawasak., at maraming mamamayang Pilipino na walang kamalay-malay ang nabubuwis ang buhay.

Kapanalig, kailan kaya maaalis sa ating kultura., sa ating gawi ang pandarambong? May maging pangulo pa kaya ang Pilipinas na magpapamana ng hindi “legacy of corruption”?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,851 total reads

 21,851 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,303 total reads

 59,303 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,514 total reads

 77,514 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,842 total reads

 161,842 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,188 total reads

 198,188 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 21,852 total reads

 21,852 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,304 total reads

 59,304 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,515 total reads

 77,515 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,843 total reads

 161,843 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top