Obispo umapela sa simbahan at gobyerno na magkatuwang na tugunan ang mental health crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,444 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa simbahan at pamahalaan na harapin nang buong puso at may malasakit ang lumalalang krisis sa mental health sa bansa.

Kaugnay ito sa huling ulat ng Philippine National Police na mahigit 2,000 Pilipino ang naitalang nagpatiwakal sa loob lamang ng kalahating taon ngayong 2025.

Ayon kay Bishop Santos, hindi lamang ito mga simpleng bilang, kundi mga anak, kapatid, kaibigan, at kapwa na tahimik ngunit may mabigat na pinagdaraanan.

“Mental health, though once overlooked, must now take its rightful place in our national and spiritual consciousness. The suffering of the mind and spirit must be treated with as much compassion and urgency as the wounds of the body,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat ng obispo ang simbahan na maging pastol ng pag-asa at aktibong kanlungan, na magsisilbing malakas at mapagkalingang tinig upang ipadama sa bawat dumaraan sa pagsubok na sila’y may karamay at hindi nag-iisa.

Dagdag pa ni Bishop Santos, dapat maging bukas na bisig ang mga parokya, hindi lamang bilang lugar ng pagsamba, kundi para rin sa pakikinig, paggabay, at pagpapagaling.

Iminungkahi ng obispo ang pagsasanay sa pastoral workers, kabataan, at mga pari upang matukoy at matulungan ang mga taong may mental distress.

Gayundin ang paglulunsad ng libreng mental health talks at volunteer networks sa mga parokya, at pakikipag-ugnayan sa mga dalubhasa upang maihatid ang abot-kayang serbisyo sa barangay level.

Binigyang-diin din ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang pondohan ang mental health programs, sanayin ang mga guidance counselor sa paaralan, at siguraduhin ang access sa psychiatric care sa mga pampublikong ospital.

“To our government leaders: our young people are crying out. Let us respond not only with policies but with compassion… Mental wellness is not a privilege—it is a right. And every suicide is a national tragedy we must work together to prevent,” ayon kay Bishop Santos.

Panawagan din ng obispo sa lahat na putulin ang stigma o mga nakasanayan tungkol sa mental health, at yakapin ang kultura ng pag-amin at paghingi ng tulong.

“Talking about our pain is not weakness—it is courage. Seeking help is not shame—it is strength. And saving lives is a mission that belongs to all of us… May we, as a nation, remember that our true healing begins in our willingness to care,” saad ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,299 total reads

 23,299 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,654 total reads

 60,654 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,865 total reads

 78,865 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,193 total reads

 163,193 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,474 total reads

 199,474 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,520 total reads

 80,520 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top