Pamantayan ng isang tunay na bayani, nilabag ng SC-obispo

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Hinimok ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga paaralan na manindigan na hindi isang bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, magtuturo lamang sa mga kabataan ng maling pagpapakahulugan sa salitang “bayani” kung papanaigin ang naging desisyon ng Korte Suprema na mailibing ang si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Suportado rin ng Catechist Bishop ang nagkakaisang paninindigan ng mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang Catholic schools na patuloy na ituro sa mga susunod na henerasyon ang tunay na diwa ng kabayanihan at hindi nito mabahiran ng maling konsepto.

“Mahalaga yung mga Catholic schools natin i – maintain yung stand that he (former President Marcos) should not be there. Hindi siya dapat ilibing dun dahil hindi siya tinuturing na bayani ng bayan. It will confused our young people as to who is a ‘hero.’ Yung panawagan rin sa mga Catholic Schools natin I hope we make a united stand regarding this,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari.

Lumalabas ayon kay Bishop Mallari na hindi nanindigan ang mga Justices sa tunay na pamantayan ng isang bayani.

“Yung Archbishop ng Lingayen, Dagupan Socrates Villegas, he made really a firm stand na he was sad about the decision of Supreme Court.
Medyo nakakalungkot because this was the Supreme Court deciding para bang yung bang supposed to be na mga taong nakakaalam may pinag – aralan, may paninindigan ay hindi natin alam kung bakit ganito ang desisyon,” paglilinaw pa ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Nabatid na 103 hektaryang Heroes Cemetery o mas kilala noon bilang Republic Memorial Cemetery na matatagpuan sa Taguig City ay himlayan ng mga labi ng mahigit 49,000 mga sundalo, dating Pangulo, bayani at mga martir ng bansa.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP President at Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa naturang desisyon ng Supreme Court na aniya’y sumira at isinantabi na lamang ang ipinaglaban noon ng mga Pilipino sa EDSA People Power.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,079 total views

 9,079 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,723 total views

 23,723 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,025 total views

 38,025 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,795 total views

 54,795 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,252 total views

 101,252 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,930 total views

 94,930 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,838 total views

 90,838 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top