Pagbabalewala sa Martial Law victims ang SC decision on Marcos Burial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Nadismaya ang isang obispo sa desisyon ng Korte Suprema na ihimlay na sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, hindi ito makatotohanan at tuwirang pagbabalewala sa panawagan ng marami tungkol sa mga ginawang pang-aabuso ng dating Pangulo sa kanyang kapangyarihan partikular na sa paglabag sa karapatang pantao at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Ang desisyon nila ay nakakalungkot na hindi nabibigyang halaga ang panawagan ng marami tungkol sa human rights, hindi naman matatapos itong problema natin yung issue na yan sa kanilang desisyon kasi ang tingin namin, ang tingin ko hindi makatotohanan kasi hindi naman inaamin ng mga Marcoses na nagkamali sila at hindi naman talaga siya hero, parang ipe-present mo siya na parang lumalabas na balewala yung kanyang ginawang pang-aabuso sa human rights sa mga tao…” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito, giit ng Obispo napapanahon na upang aminin ng pamilya Marcos ang kanilang ginawang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, isang kabalintunaan ang naging desisyon ng Korte Suprema na pagkatapos na patalsikin ng sambayanang Filipino ang dating Pangulong Marcos ay itatanghal naman itong bayani gayung hindi pa rin nabibigyang katarungan ang sinapit na pang-aabuso ng maraming Martial Law Victims.

“Pagkatapos natin siyang pinatalsik dahil sa kanyang pang-aabuso sa bansa, ngayon kikilalanin na siyang hero? At maraming mga naabuso, mga nabiktima na hindi pa nabibigyan ng katarungan eh hindi man lang nila inaamin ang kanilang kasamaan so yun yung nakakalungkot. Patuloy ang panawagan na dapat mabigyan sila ng katarungan na dapat aminin ng mga Marcoses ang pagkakamali nila…” dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Kaugnay nga nito sa botong 9 ay kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa 103-hektaryang Libingan ng mga Bayani kung saan may 49-na-libong sundalo, war veterans at mga itinuturing na martir at bayani ng bansa ang nakahimlay.
Batay sa tala sa ilalim ng Batas Militar na nagsimula noong 1972, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang napinsala, 34,000 ang na-torture habang higit sa 70,000 ang ikinulong dahil sa hindi pagsang-ayon sa patakaran ng rehimeng Marcos bukod dito sa isinagawang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988, nabatid na noong panahon ng “Martial Law”, 5 hanggang 10-bilyong dolyar ang sinasabing nakuhang yaman ng pamilya Marcos sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,195 total reads

 10,195 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,572 total reads

 91,572 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,797 total reads

 185,797 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,287 total reads

 246,287 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,697 total reads

 259,697 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,447 total reads

 17,447 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top