Yolanda Rehab effort ng Simbahan, matatapos bago ang March 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Umaasa ang Archdiocese of Palo na matatapos na nila sa loob ng tatlong taon ang rehabilitation program sa kanilang nasasakupan na nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong November 8, 2013.

Ayon kay Rev. Fr. Alcris Badana, head ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese of Palo, sa tulong ng ibat-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika gaya ng CBCP-NASSA at Caritas Philippines, makukumpleto na ang pabahay at livelihood sa mamamayan na nasalanta sa Samar at Leyte.

Dagdag ni Fr. Badana, aktibo rin ang archdiocese sa pagbibigay impormasyon sa ‘emergency preparedness’ upang hindi na maging malala ang epekto ng mga susunod na kalamidad.

“Dito sa amin together with CBCP-NASSA and Caritas Philippines we are almost completing our project by this March 2017 kasi yung program natin sa rehabilitation is a 3- year program. Kami naman po talagang sinsisikap namin like Msgr. Oso (SAC director Palo archdiocese ) said the poor cannot wait so we really need na bilisan natin ang programa lalo na ang housing kasama na ang livelihood and other concerns especially sa emergency preparedness,” pahayag ni Fr. Badana sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag ng pari naging matagumpay din ang kanilang activities sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Yolanda kahapon kung saan 9 na dioceses ang nakilahok kasama ang ibat-ibang organisasyon na tumutulong sa rehabiltasyon sa mga naging biktima ng kalamidad.

Sa pagdiriwang, pinangunahan ni Palo archbishop John Du ang isang Misa pasasalamat at pananalangin sa mga kaluluwa ng mga nasawi sa sakuna kasama na rin ang pagbibigay pugay at pagkilala sa mga naging tunay na modelo ng bawat komunidad habang isinasagawa ang pagbangon.

“He encourage all parishioners to commemorate and pray for all our beloved especially those who perished during Typhoon Haiyan, aside from that the different parishes meron din kaming unified activity celebration sa Tanauan, sa Our Lady of Assumption parish. Dun ginawa ang diocesan activity , lahat ng parokya nagkaroon ng sariling selebrasyon like prayers and Mass, especially activity rin na ginawa, in partnership with CBCP NASSA and Caritas Philippines kasama ang 9 na diocese na kasama sa programa ng rehabilitation for the past 3 years, may delegate sila in minimum of 5, may activity kaming ginawa, identifying true heroes of Yolanda na naging modelo” ayon pa kay Fr. Badana.

Sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre a-8 ng 2013, halos 7,000 ang nasawi at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan habang bilyong-bilyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 44,975 total reads

 44,975 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,489 total reads

 82,489 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 117,787 total reads

 117,787 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,057 total reads

 344,057 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 234,860 total reads

 234,860 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,853 total reads

 293,853 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,403 total reads

 406,403 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top