Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin at pagkakaisa, panawagan ng Pari sa desisyon ng Senado

SHARE THE TRUTH

 28,959 total views

Nanawagan ng panalangin, pagkakaisa, at pananagutan si Fr. Flavie Villanueva, SVD sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Isang prayer service ang ginanap sa loob ng House of Representatives nitong Hunyo 9, kaugnay na rin sa inaantabayanang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo, kung saan nagkasundo ang mayorya ng mga senador-bilang impeachment court sa botong 18-5 na ibalik sa Kamara ang reklamo.

Sa kanyang mensahe, inihalintulad ni Fr. Villanueva, SVD ang kasalukuyang kalagayang politikal sa mga pangyayari sa buhay ni Kristo — kung paanong si Hesus ay ipinagkanulo, pinatay, at muling nabuhay. Giit niya, sa panahon ngayon, “namamayani rin ang diablo” sa anyo ng katiwalian, karahasan, at pag-abuso sa kapangyarihan.

Si Fr. Villanueva ay bahagi ng nagsampa ng ikatlong impeachment laban kay VP Duterte, at founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center na nangangalaga sa mga balo at naulila ng mga biktimang pinaslang sa ilalim ng giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Project Paghilom.

“Winasak ang tiwala, binaboy ang dangal ng buhay, pinatay ang mga naghahanapbuhay, at binastos ang Saligang Batas,” ayon kay Fr. Villanueva sa kanyang pagninilay.

Tinuligsa rin ng pari ang mga aniya’y “makabagong Pariseo, Hudas, Herodes, at Pilato” — mga taong nasa poder ngunit ginagamit ang batas para protektahan ang sarili at supilin ang katotohanan.

Gayunpaman, iginiit niya na hindi nawawala ang pag-asa, dahil sa mga makabagong propeta at mabubuting pastol na patuloy na naninindigan para sa katotohanan at katarungan.

“Tayo’y dumudulog sa pananampalataya — dito tayo humuhugot ng lakas, dito natin kinukuha ang pag-asa,” dagdag pa ng pari.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga mananampalataya at mambabatas na huwag hayaang baluktutin ang proseso ng impeachment.

Giit ng pari, ito ay laban hindi lamang para sa batas kundi para sa kinabukasan ng kabataan at ng bayan.(

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,381 total views

 14,381 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,318 total views

 34,318 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,578 total views

 51,578 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,105 total views

 65,105 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,685 total views

 81,685 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,807 total views

 7,807 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,808 total views

 7,808 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 10,324 total views

 10,324 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top