Obispo, dismayado sa pagtalikod ng Senado sa mandato ng Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,707 total reads

Dismayado si 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa ginawa ng Senado na pagbabalik ng articles of impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa Obispo, ang pagbabalik ng Senado ng articles of impeachment sa House of Representatives ay malinaw na isang pagtalikod sa kanilang tungkuling litisin si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment proceedings na una ng isinumite ng Kongreso sa Senado.

Paliwanag ni Bishop Bacani, maituturing na kasabwat ang mga Senador sa patuloy na tangkang maantala at maisantabi ang paglalahad ng katotohanan mula sa mga alegasyon ng katiwalian at iba pang kaso laban sa Bise Presidente.

“The Senate in sending back the article of impeachment to the House of Representative is clearly shirking its duty to try immediately the case already forwarded to it. They are complicit in the scheme to deny or at least delay justice. Why all these delaying tactics?” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi Bishop Bacani, nakadidismaya ang pagpapabaya ng mga Senador sa kanilang tungkuling sinumpaan sa ilalim ng Konstitusyon.

Umaasa naman ang Obispo na makonsensya ang mga Senador na bumoto upang ibalik ang articles of impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at maisaisip ng mga ito ang kapakanan ng bayan at ng taumbayan sa halip na ang kanilang pansariling interest pampulitika.

“To say the least the Senate has been sadly remiss in its Constitutional duty… Ma-konsensya nawa kayong [mga Senador na] bumoto to remand the article of impeachment to the House of Representatives. Isipin ninyo ang bayan at hindi ang inyong sariling political interest.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Iginiit ni Bishop Bacani, mas maituturing ang 18 mga senador na bumoto upang ibalik sa Kongreso ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente na Senador ni Duterte sa halip na senador ng mamamayang Pilipino na bumoto at naghalal sa kanila sa posisyon sa Senado.

Ayon sa Obispo, marapat lamang na tuwinang ipabatid sa publiko kung sino ang 18 mga Senador na ito na tila mas naglilingkod para kay Duterte sa halip na para sa kapakanan ng taumbayan.

“The senators who voted to remand to the House of Representative the article of impeachment look more like the senators of Duterte than of the Filipino people. Please publish their names repeatedly.”

Sa tala, ang 18 senador na bumoto at pumanig sa inihaing mosyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na ibalik ang impeachment complaints ng bise presidente sa Kongreso ay sina Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, JV Ejercito, Bong Go, Loren Legarda, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Pia Cayetano, Lito Lapid, Cynthia Villar, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, at Chiz Escudero.

Ang lima na hindi sumang-ayon sa nasabing mosyon ay sina Sen. Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, at Sherwin Gatchalian.

Matatandaang Pebrero 5, 2025 nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas.

Kabilang sa mga sinasabing kaso laban sa Bise Presidente ay ang paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong, katiwalian sa kaban ng bayan at iba pang krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,402 total reads

 56,402 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,696 total reads

 135,696 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,141 total reads

 169,141 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,439 total reads

 204,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,698 total reads

 428,698 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top