Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panatilihing pamantayan ang husay

SHARE THE TRUTH

 284 total views

Mga Kapanalig, ilalagay mo ba ang kalugusan mo sa kamay ng isang nars na hindi na dumaan sa pagkuha ng board exams? O matitiyak mo bang kaya ng isang abogadong ipagtanggol ang iyong mga karapatan sakaling humarap ka sa isang kaso pero hindi siya dumaan sa pagkuha ng bar exams? Kukunin mo ba ang serbisyo ng isang inhinyerong hindi na kumuha ng board exams upang makapagpatayo ka ng bahay?

Para sa kalihim ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na si Secretary Silvestre Bello III, panahon na marahil na tanggalin bilang requirement sa pagkuha ng lisensya ng mga nasabing propesyonal ang pagpasá sa board o bar exams. Sapat na raw ang maraming exams na pinagdadaanan ang mga nag-aaral maging nars, abugado, o engineer sa maraming taon sa kolehiyo. “Puro na lang exam,” reklamo ng kalihim. Parang wala raw tiwala ang Commission on Higher Education (o CHED) sa mga unibersidad na humahasa sa talino at husay ng kanilang mga estudyante dahil kailangan pa nilang kumuha ng exam. Kapag natapos na ng pag-aaral ang isang nais maging nars, abogado, o engineer, puwede na rin daw sana silang makapag-practice na o diretso nang magtrabaho at magbigay ng serbisyo. Hindi rin naman daw garantiya ang pagkakapasa sa bar exams, halimbawa, upang maging mahusay na abugado.

Umani ng batikos ang ideyang ito ni Secretary Bello. Hindi rin siya sinang-ayunan ng Philippine Nurses Association dahil pabababain daw nito ang kalidad ng ating mga health professionals. Mahihirapan din silang makakuha ng trabaho sa ibang bansa kung saan mas matindi ang mga pamantayan sa mga dayuhang propesyunal, katulad ng mga nars. Ang pagpasa sa exam, paliwanag ng asosasyon, ay isang paraan upang matiyak na ang mga nagtatapos sa kolehiyo at nais maging propesyonal ay mahusay na magagampanan ang kanilang kritikal na trabaho.

Iniisip marahil ni Secretary Bello na makatutulong ang pagtanggal sa bar at board exams upang mas mabilis na mapunan ang pangangailangan natin para sa mga propesyonal katulad ng mga nars. Dahil sa pandemya, nalaman nating 40% lamang ng kalahating milyong registered nurses sa Pilipinas—o mga nakapasa sa board exams at nabigyan ng lisensya—ay dito sa Pilipinas nagtatrabaho. Mas marami ang nagtatrabaho sa ibang bansa o kaya naman ay nasa trabahong walang kinalaman sa kanilang kakayahan. Bagamat kailangan ngang madagdagan ang bilang ng mga nars sa ating bansa, ang mas makaeengganyo sa kanilang manatili sa Pilipinas ay ang katiyakang sapat ang matatanggap nilang sahod sa sarili nating bayan. Sa kasalukuyan, ang mababang pasahod sa mga nars sa Pilipinas ang nagtutulak sa mga lisensyadong nars na mangibang-bansa. Hindi ba’t mas nakabababa sa dignidad ng mga propesyonal—na gumugol ng napakahabang panahon sa pag-aaral at halos dumaan sa butas ng karayom sa bar at board exams—ang mababang sahod na kanilang natatanggap?

Dapat nating pahalagahan ang husay ng mga tao sa kani-kanilang karera o propesyon, lalo na kung nakasalalay sa kanila ang buhay ng kanilang kapwa. Hindi ba’t ganito rin dapat ang hinahanap natin sa mga lider ng bayan? Pahiwatig nga sa Mga Kawikaan 22:29, ang mga mahusay magtrabaho ay naglilingkod sa mga hari, hindi sa mga alipin—sa madaling salita, kailangang bigyang-halaga ang husay sa pagtratrabaho, at nagsisimula ito sa paghahanda sa kanila bago suungin ang larangang pipiliin ng isang nais maging propesyonal.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Francis sa paggunita ng International Nurses Day noong isang taon, ang mga nars ay tumanggap ng isang napaka-espesyal na bokasyong nangangalaga ng buhay ng tao. At dahil buhay ng tao ang nakasalalay at upang maging epektibong propesyonal, kailangang magkasabay ang kanilang puso para sa kanilang kapwa at talas ng pag-iisip at tunay na husay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,898 total views

 80,898 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 88,673 total views

 88,673 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,853 total views

 96,853 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 112,390 total views

 112,390 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 116,333 total views

 116,333 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,899 total views

 80,899 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 88,674 total views

 88,674 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,854 total views

 96,854 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 112,391 total views

 112,391 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 116,334 total views

 116,334 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,370 total views

 60,370 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,541 total views

 74,541 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,330 total views

 78,330 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,219 total views

 85,219 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,635 total views

 89,635 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,634 total views

 99,634 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,571 total views

 106,571 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,811 total views

 115,811 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,259 total views

 149,259 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,130 total views

 100,130 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top