Archdiocese of Lipa, nagpapasalamat sa mga nagpapaabot ng tulong para sa Taal evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Labis na nagpapasalamat ang Archdiocese of Lipa sa mga tulong na kanilang natatanggap para sa mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Social Action Director Rev. Fr. Jayson Siapco, sila ay nagagalak sa patuloy na malasakit ng mga kapanalig na nagbabahagi ng kanilang tulong mula pa nang unang pumutok ang Bulkang Taal hanggang sa kasalukuyan.

Naniniwala si Fr. Siapco na lalo pa nilang kakailanganin ang pagtutulungan na ito sakaling lumala ang sitwasyon sa Bulkang Taal kung saan sa kasalukuyan ay nakataas ang alert level 3.

“Mga kapanalig, alam po namin na kayo ay unang mga kapanalig namin na dumadamay sa amin, unang nagmalasakit sa Archdiocese of Lipa noong isang taon at alam ko ngayon patuloy pa din kayo sa pagdamay sa amin sa mga sitwasyon na ito, kaya ako una ay nagpapasalamat sa inyo at ikalawa nananawagan sa mga patuloy na tulong,” pahayag ni Fr. Siapco.

Inihayag ng Pari na bukas ang kanilang tanggapan para sa anumang tulong na nais ipahatid sa mga residente na inilikas dahil sa banta ng bulkan.

“Pwede nyo po kami ulit padalhan ng mga tulong mula sa inyong mga pagsisikap at sakripisyo para sa ating mga kapatid na nasa evacuation center at maaaring maapektuhan pa ng Bulkang Taal. Tayo ay naghahanda at sa ating paghahanda tulad ng sinasabi ng mga government agencies we are expecting for the worst situation sapagkat ang sitwasyon po ng taal ay hindi maganda kaya’t puspusan ang paghahanda at pagtulong ng iba’t ibang ahensya kasama na din ang iba’t ibang diyosesis at ahensya ng simbahan,” pahayag ng tagapamuno ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission.

Tiniyak naman ni Fr. Siapco ang suporta at pagdarasal ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Nagpapasalamat aniya ito sa mga tulong at panalangin na kanilang natatanggap mula sa mga kapanalig.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Batangas, higit sas 1,252 na mga pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers habang nasa 2,531 na pamilya ang pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,857 total reads

 14,857 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,856 total reads

 15,856 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,828 total reads

 31,828 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,205 total reads

 69,205 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,474 total reads

 100,474 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,707 total reads

 175,707 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,389 total reads

 268,389 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,309 total reads

 100,309 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top