Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatapon ng basura sa Pagkakaisa reef, kinondena ng Oceana Philippines

SHARE THE TRUTH

 481 total views

Kinondena ng Oceana Philippines ang labis na pagtatapon ng dumi ng mga barko sa Pagkakaisa reefs na bahagi ng Kalayaan Group of Islands na sakop ng West Philippine Sea.

Ayon kay Atty. Gloria Estenzo-Ramos, Vice President ng grupo, ito’y babala para mas mabantayan pang mabuti ang mga karagatang sakop ng Pilipinas na hindi na muling maulit ang ganitong uri ng insidente na nagdudulot ng panganib, hindi lamang sa karagatan at kalikasan, kundi maging sa kalusugan ng mga tao.

“We also condemn ‘yung act of discharging pero cautious kami. So we don’t even mention the vessels kasi hindi natin alam kung which of the vessels [are] there. Pero this should awaken us na meron ba talagang nag-monitor sa mga barko? Kasi marami nang mga side stories ‘yung kung ano-anong dina-dump sa karagatan natin,” bahagi ng pahayag ni Ramos sa panayam ng Radio Veritas.

Nanawagan naman ang grupo sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaang nangangalaga sa mga karagatan at kalikasan na imbestigahan upang maparusahan ang lumabag sa environmental law.

“Nananawagan kami sa Philippine Coast Guard at Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na masusing tingnan ang nasabing insidente, kasama ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), lokal na pamahalaan at iba pang ahensya,” pahayag ng Oceana Philippines.

Batay sa Philippine Fisheries Code na inamyendahan noong taong 2015, may karampatang parusa ang mga mapapatunayang nagdudulot ng aquatic pollution sa mga karagatang sakop ng bansa.

Gayundin ang Philippine Clean Water Act of 2004 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng putik o anumang dumi sa karagatan.

Ayon naman sa pag-aaral, dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga mapanganib at ilegal na aktibidad sa bahagi ng West Philippine Sea ay lumiit o bumaba sa 67-porsyento sa nakalipas na 10 hanggang 15 taon ang bahagi ng mga coral reefs sa Pagkakaisa Reefs.

Habang naging sanhi rin ito ng pagbaba sa 66 hanggang 75-porsyento sa nakalipas na 20 taon ang kabuuang bilang ng mga nahuhuling isda sa bahagi ng karagatan.

Nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,494 total views

 34,494 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,624 total views

 45,624 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,985 total views

 70,985 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,369 total views

 81,369 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,220 total views

 102,220 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,005 total views

 6,005 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top