Pagpasok ng North Luzon Mineral Resources Corporation sa Nueva Vizcaya, kinundena ng Kalikasan PNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,065 total reads

Kinundena ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pagpasok ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC) sa Kasibu, Nueva Vizcaya, kasabay ng pinaigting na pagtutol ng mga residente na muling nagtayo ng barikada sa Barangay Pao upang harangin ang operasyon ng kumpanya.

Ayon sa grupo, may hawak na exploration permit ang NLMRC para sa paghahanap ng copper, gold at iba pang mineral sa mahigit 4,400 ektarya na sumasaklaw sa ilang bahagi ng Barangay Pao at karatig na lugar.

Ikinabahala ng Kalikasan PNE na ang naturang proyekto ay maaaring magbukas ng mas malawak na pagmimina sa Nueva Vizcaya na maglalagay sa panganib sa kabundukan, agrikultura, at kabuhayan ng mga lokal na komunidad.

“Once again, the people of Nueva Vizcaya have raised a barricade in defense of their land, life, and livelihood… Behind the language of ‘exploration’ and ‘development’ lies the same old reality: large-scale mining corporations descending upon rural communities to plunder land and resources for profit,” pahayag ng Kalikasan PNE.

Ayon pa sa grupo, matagal nang nakaranas ng tensyon at panlilinlang ang mga residente ng Kasibu sa mga naunang pagpasok ng ilang kumpanya ng pagmimina, kabilang ang alegasyong gumamit ang kumpanya ng ibang proyekto upang makapasok sa komunidad.

Iginiit ng Kalikasan PNE na ang sitwasyon sa Kasibu ay bahagi ng mas malawak na laban ng mga pamayanang apektado ng pagmimina sa Nueva Vizcaya, kabilang ang mga naunang kilos-protesta laban sa iba pang mining operations sa lalawigan.

“Time and again, the people have shown that organized resistance is stronger than corporate greed. The barricade in Pao is a declaration that the people will not surrender their land and future to mining plunder,” ayon sa Kalikasan PNE.

Nanawagan din ang Kalikasan PNE ng mas malawak na suporta mula sa publiko at iba’t ibang sektor upang pigilan ang paglawak ng mga mapaminsalang operasyon ng pagmimina sa bansa, lalo na sa mga lupang sakop ng mga komunidad at katutubong pamayanan.

Una nang nagpahayag ng suporta si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga residente ng Kasibu at muling nanindigan laban sa mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 20,274 total reads

 20,274 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 57,056 total reads

 57,056 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 110,891 total reads

 110,891 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 173,569 total reads

 173,569 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 241,324 total reads

 241,324 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 48,589 total reads

 48,589 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top