Pangalagaan ang katotohanan, apela ng pangulo ng Radyo Veritas sa mamamahayag at content creators

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,741 total reads

Umapela si Radio Veritas President Fr. Roy Bellen sa mga mamamahayag at content creators na pangalagaan ang katotohanan, kritikal na pag-iisip, at tunay na ugnayan sa gitna ng lumalawak na paggamit ng artificial intelligence sa komunikasyon.

Ito ang binigyang-diin ng pari kasunod ng mensahe ni Pope Leo XIV para sa pagdiriwang ng ika-60 World Day of Social Communications kung saan hinimok ng Santo Papa ang mga tagapaghatid ng impormasyon na pangalagaan ang presensya ng tao at mapanuring pag-iisip laban sa manipulasyon at algorithm-driven content.

“When information can easily be distorted, manipulated, and weaponized for division, Radio Veritas remains committed to being a credible voice that enlightens consciences, promotes truth, and fosters meaningful dialogue,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ayon kay Fr. Bellen, mahalagang mapanatili ng media ang pananagutan sa paghahatid ng tama at makabuluhang impormasyon lalo na sa panahong laganap ang misinformation at digital manipulation.

“Communication is about truth, responsibility, and genuine connections. As Church media, we must inform, evangelize, educate, and support people in their search for truth, accurate information, leading to informed political and social participation,” ani Fr. Bellen.

Iginiit din ng pari na patuloy na ginagamit ng Radio Veritas ang iba’t ibang digital platforms kabilang ang digital AM broadcast, television, at online streaming upang maabot ang mas maraming kabataan at mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo habang isinusulong ang katotohanan at pagkakaisa.

Hinimok din ni Fr. Bellen ang mga communicators, educators, at content creators na paigtingin ang media literacy bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa para sa mapagkakatiwalaang tinig sa gitna ng dagsa ng impormasyon sa digital platforms.

“The Holy Father reminded us that we need authenticity to speak for people again,” dagdag ni Bellen. “Radio Veritas will keep using every platform available to ensure that truth, compassion, and the voice of the Church remain present in the digital continent.”

Ang Radio Veritas 846 ay ang pangunahing Catholic radio station sa Pilipinas na nakatuon sa ebanghelisasyon at public service sa pamamagitan ng makatotohanan, balanseng, at makabuluhang pamamahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 119,373 total reads

 119,373 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 152,702 total reads

 152,702 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 184,846 total reads

 184,846 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 250,909 total reads

 250,909 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 262,480 total reads

 262,480 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top