Obispo ng Kalibo, tutol sa Boracay bridge project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,657 total reads

Mariing tinutulan ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang isinusulong na Boracay Bridge project, at iginiit na maaari itong magdulot ng malawakang pinsala sa kalikasan, kabuhayan, at moral na kalagayan ng isa sa pangunahing tourist destinations ng bansa.

Ayon sa obispo, ang planong P7.78-bilyong tulay na mag-uugnay sa Boracay Island at mainland Aklan ay maaaring makaapekto sa marupok na yamang-dagat ng isla, kabilang ang mga coral reef at iba pang marine ecosystems.

Nagpahayag din ng pangamba si Bishop Villareal na maaaring maapektuhan ang komunidad ng mga katutubong Ati sa isla, kabilang ang posibleng pagkawala ng tirahan at unti-unting paglaho ng kanilang kultura at kabuhayan.

Hinamon ng obispo ang pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan, kaysa sa pansariling interes.

“It’s not about yourself or what you can get from it but rather for the good of the people,” ayon kay Bishop Villareal.

Nagbabala rin ang obispo na maaaring magbunsod ang proyekto ng higit na komersyalisasyon sa isla, kabilang ang posibleng pagpasok ng mga casino at iba pang anyo ng pagsusugal na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pamilya at pamayanan.

Nanawagan si Bishop Villareal ng mas malawak na konsultasyon sa publiko, at binigyang-diin na ang proyekto ay hindi lamang usaping pangkabuhayan kundi may malalim ding epekto sa moralidad at lipunan.

“I hope you will listen to the local leaders and spiritual leaders because we understand the situation here. We live with the people,” ayon kay Bishop Villareal.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na kinumpirma ng Department of Public Works and Highways na aprubado na ang kasunduan para sa 2.54-kilometrong Boracay Bridge project, na itatayo ng San Miguel Corporation sa ilalim ng public-private partnership arrangement.

Magugunita na noong 2018 ay pansamantalang ipinasara ng pamahalaan ang Boracay upang isailalim ito sa malawakang rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 20,197 total reads

 20,197 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 56,980 total reads

 56,980 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 110,815 total reads

 110,815 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 173,495 total reads

 173,495 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 241,250 total reads

 241,250 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 48,582 total reads

 48,582 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top